200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Munti
MANILA, Philippines - Isang malaking sunog sa Barangay Sucat, Muntinlupa City ang nagdulot ng paglikas sa mahigit 200 pamilya at ikinasugat ng isang lalaki nitong Miyerkoles, Abril 29. Nagsimula ang sunog bandang 6:45 ng umaga sa isang bahay sa Hacienda Rosario, Purok 2, at mabilis na kumalat sa mga kalapit na istruktura, umabot sa ikatlong alarma pagsapit ng 8:05 ng...
Alkalde nangakong tutugisin salarin sa pinaslang na 13-anyos sa tubuhan
MANILA, Philippines - Ipinangako ni Candoni, Negros Occidental Mayor Ray Ruiz na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa isang 13-anyos na dalagita na natagpuang patay sa Barangay Poblacion West nitong linggo. Ang biktima na kinilalang si Rica Grace Simple, residente ng Barangay Haba, Candoni, ay natagpuang walang buhay sa isang tubuhan noong Abril 27 na may sugat sa noo, isang...
89-anyos na lola, tusta sa sunog sa Iloilo
ILOILO - Nasawi ang isang 89-anyos na babae matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Sara, Iloilo, kung saan nasunog din ang limang kabahayan. sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog matapos matumba ang isang mosquito coil na naiwan at patuloy na nakasindi sa loob ng isang bahay. Sinubukan umanong ilabas ng kapatid ang biktima...
18-anyos utas sa salpok sa poste
PANGASINAN - Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang kongkretong poste sa bayan ng Sison. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na residente ng Barangay Agat ay nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo bago sumalpok sa isang poste ng ilaw sa gilid ng kalsada sa Barangay Amagbagan. Nadatnan ng mga rumespondeng awtoridad na...
Anti-scam complaint center, itatayo ng CICC
MANILA, Philippines - Isinusulong ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagtatatag ng National Anti-Scam Hub (NASH) na magsisilbing isang sentralisadong one-stop complaint center para sa mga biktima ng panloloko at online scam. Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Renato "Aboy" Paraiso, pamumunuan ng Office of the Executive Secretary ang naturang hub na layong gawing mas simple ang pagrereport...
106,000 parak ipakakalat sa buong Pinas sa Labor Day
MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 106,000 pulis ang ide-deploy ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa upang tiyakin ang maayos at mapayapang pagdiriwang ng Labor Day sa Biyernes, Mayo 1, kung saan inaasahan ang mga rally at protesta ng mga manggagawa. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, nasa heightened alert ang kapulisan mula Huwebes hanggang Sabado...
6 unibersidad sa Pinas, pasok sa 2026 Times Higher Education
MANILA, Philippines - Anim na unibersidad sa Pilipinas ang nakapasok sa 2026 Times Higher Education (THE) Asia University Rankings na sumuri sa 929 institusyon sa 36 bansa batay sa kalidad ng pagtuturo, pananaliksik, international outlook, industry engagement, at research quality. Nanguna sa mga institusyon ang Ateneo de Manila University na pumuwesto sa 501–600 bracket. Kasunod nito ang De La Salle University,...
State of calamity idineklara sa bayan sa Mt. Province sa epekto ng matinding tagtuyot
MANILA, Philippines - Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Paracelis sa Mountain Province dahil sa pinagsamang epekto ng matinding tagtuyot, kakulangan sa suplay ng tubig, at patuloy na energy crisis. Ayon kay Mayor Marcos Ayangwa, ang deklarasyon na inaprubahan noong Abril 28 ay magbibigay-daan upang magamit ng lokal na pamahalaan ang lahat ng yaman nito para tugunan ang...
13-anyos na pinabili ng alak at yelo, bangkay na nang matagpuan sa tubuhan
MANILA, Philippines - Isang 13-anyos na dalagita na inutusan lamang bumili ng alak at yelo ang natagpuang patay sa isang tubuhan sa Candoni, Negros Occidental matapos hindi na makauwi. Ayon sa ulat, nakita ang bangkay sa Barangay West noong Abril 27, dalawang araw matapos siyang huling makita noong Abril 26 nang umalis upang bumili ng yelo at alak sa isang...
Pagkasawi ng Toboso 19, isang masaker, ‘di engkuwentro – grupo
MANILA, Philippines - Iginiit ng grupong Karapatan na “massacre” ang nangyaring pagkamatay ng 19 indibidwal sa Toboso, Negros Occidental, at hindi isang engkwentro gaya ng pahayag ng militar. Naganap ang insidente noong Abril 19 sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army (NPA). Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, may drone footage umano mula sa Armed Forces of the...












