Mga grupong nag-uudyok sa mga Pinoy abroad na masangkot sa armadong labanan sa Pinas, ibinabala ng NTF-ELCAC
MANILA, Philippines - Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na mag-ingat sa mga grupong umano’y nag-uudyok sa kanila na masangkot sa armadong labanan sa Pilipinas. Inilabas ang babala matapos mapatay ang Filipino-American activist na si Lyle Prijoles sa isang military operation sa Negros Occidental ngayong linggo. Kinumpirma rin ng...
Posibleng kontaminasyon sa tubig sa Navotas landfill, ibinabala
MANILA, Philippines - Nagbabala ang international marine conservation group na Oceana tungkol sa posibleng kontaminasyon ng tubig sa paligid ng inactive Navotas Sanitary Landfill. Ayon sa grupo, maaaring kumalat ang pollutants mula sa usok, landfill leachate, at runoff papunta sa mga daluyan ng tubig at dagat. “Landfill leachate, the polluted liquid that drains from waste, along with runoff from rain and...
Asawa ni VP Sara, maghahain ng reklamo vs BSP, AMLC, mga Kongresista
MANILA, Philippines - Maghahain ng criminal complaint si Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, at ilang miyembro ng Kamara. Kabilang sa mga ireklamo sina BSP Governor Eli Remolona Jr., AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, at mga kongresistang sina Gerville Luistro, Percival Cendaña, Chel Diokno, at Leila De...
EDSA-Ortigas interchange, bubuksan sa Lunes para sa light vehicles
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways na bubuksan muli ang EDSA Ortigas Interchange sa mga light vehicles simula Lunes. Pansamantalang isinara ang interchange upang bigyang-daan ang pagkukumpuni matapos ang insidente ng sunog sa bus sa lugar. Ayon sa DPWH, nanatiling sarado ang interchange nitong Linggo, Abril 26, habang isinasagawa ang paglilinis ng apektadong bahagi, pag-aayos ng...
Climate emergency, ipinanawagan dahil sa matinding tagtuyot
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Philippine Movement for Climate Justice sa pamahalaan na magdeklara ng national climate emergency dahil sa epekto ng tagtuyot sa bansa. Ayon sa PAGASA, 15 probinsya sa Luzon ang apektado ng drought. Sinabi ni Laica Rayel ng PMCJ na bumaba ang ani ng mga magsasaka dahil sa kakulangan ng tubig at mataas na gastos sa produksyon. Sa Cagayan...
7,674 OFWs, naka-uwi mula sa MidEast crisis — DMW
MANILA, Philippines - Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Abril 26, umabot na sa 7,674 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang dependents ang nakabalik sa Pilipinas mula nang sumiklab ang krisis sa Middle East halos dalawang buwan na ang nakalipas. Sa naturang bilang, 7,051 ang na-repatriate gamit ang pondo ng gobyerno, kabilang ang 5,669 OFWs at 1,382...
Hontiveros, bukas sa Presidential run sa 2028
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na siya ay “naghahanda” at “seriously considering” sa pagtakbo bilang Pangulo sa 2028 elections matapos ihayag ni dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na ito tatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa. “Naghahanda ako at dahil sinabi ko na dati, paulit ulit, na tuwing tinatanong kung bukas...
Helper huli sa carnapping
ISABELA, Philippines - Nahuli ang isang helper na wanted sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Brgy. District 1, Reina Mercedes, Isabela. Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay kinilala ang suspek sa alyas “Lito,” 40-anyos, isang helper at residente ng Brgy. Kalabaza, Aurora, Isabela. Nadakip ang suspek sa...
PTFoMS nagsagawa ng 2-day workshop para sa mga babaeng mamamahayag
MANILA, Philippines - Mahigit 75 kababaihang mamamahayag mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang lumahok sa dalawang araw na workshop para sa kahalagahan ng pagpapalakas sa mga kababaihan sa larangan ng pamamahayag. Ang "Empowering Women Journalists-- National Workshop to Institutionalize Gender-Responsive Media Protection” ay mahalaga upang mabigyan ang mga kababaihang mamamahayag ng pantay na oportunidad, boses at proteksyon. "The indispensable presence...
Rafflesia muling natagpuan, patuloy na nabubuhay sa Bulacan
BULACAN, Philippines - Ayon sa mga opisyal, patuloy na nabubuhay sa mga kagubatan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) sa Bulacan ang bihirang bulaklak na Rafflesia lagascae, na kilala sa pulang bulaklak at mabaho nitong amoy. Sinabi ni Mayor Rolando Flores na posibleng marami pang makikitang Rafflesia sa mga kabundukang barangay tulad ng Sapang Bulac at Kabayunan dahil nananatiling maayos at...












