Home NATIONWIDE OCD, naglunsad ng 7-point resilience agenda

OCD, naglunsad ng 7-point resilience agenda

1
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Martes ang 7-point resilience agenda at isang strategic infrastructure plan kasabay ng pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo nito sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay OCD Deputy Administrator Raffy Alejandro IV, layunin ng dalawang programa na palakasin ang disaster resilience ng bansa habang nagbabago ang mga panganib at tumataas ang pangangailangan para sa disaster-related services.

Ang mga programa ay tinawag na PREPARE o OCD 7-Point Resilience Agenda at Strategic Infrastructure Development and Management Plan (SIDMP).

Sinabi ni Alejandro na binuo ang mga ito mula sa mga aral sa mga nakaraang kalamidad at sa mga naging pagbabago sa ahensya, habang tinutugunan ang mga pangangailangan ng bansa sa mga susunod na taon.

“At the heart of that work is one expectation: that the systems we build must make a real difference in the lives of the people we serve,” ani Alejandro.

Binigyang-diin din niya na kailangang patuloy na umangkop ang OCD dahil sa pagbabago ng disaster risks, pag-unlad ng teknolohiya, kahalagahan ng sustainability at pagtaas ng demand sa serbisyo ng ahensya.

“Resilience cannot rest on endurance alone. It must be backed by systems that prepare, protect, and help communities recover,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here