Home METRO P4.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur, La Union

P4.3M marijuana winasak sa Ilocos Sur, La Union

SAN FERNANDO CITY, La Union- Winasak ng kapulisan at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 21,700 fully grown marijuana plants na nagkakahalag ng mahigit P4 milyon sa two-day eradication operation sa Ilocos Sur at La Union mula February 21 hanggang 22.

Sinabi ni PDEA-Region 1 Director Joel B. Plaza na 10,900 FGMPs na nagkakahalaga ng P2,180,000 milyon ang nadiskubre sa apat na plantasyon na may kabuuang land area na 2,600-square meters sa Sitio Sawangan, Barangay Danak, Sugpon, Ilocos Sur noong February 21.

Sa bayan ng San Gabriel, La Union, 10,800 FGMPs na nagkakahalaga ng P2,160,000 wang nabuking sa isang plantasyon na may land area na 900-square meters sa Barangays Lon-oy at Bayabas.

Sinabi ni Plaza na sinunog ang marijuana plants na ito at dinala ang samples sa kanilang opisina para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Wala namang naarestong cultivatpr sa operasyon subalit iniimbestigahan na ang persons of interest. RNT/SA

Previous article15 Katoliko sa Burkina church pinaslang!
Next articleBaron, may ‘kabit’ daw na taga-GMA!