Home OPINION PAG-ARESTO KAY BATO, NASAAN?

PAG-ARESTO KAY BATO, NASAAN?

1
0

MARAMING nagbabantay ukol sa balita o tsismis sa pagkakaaresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

SA The Hague, Netherlands, naghihintay si Atty. Harry Roque na darating si Bato roon at habang tinitipa ito, wala pa siya roon.

Ayon naman kay Sen. Ping Lacson, kung nahuli si Bato, ididiretso na ito sa The Hague at dapat naganap na kahit sa araw na ito o bukas.

Para naman sa National Bureau of Investigation at Department of Interior and Local Government, hindi pa nahuhuli at hinahanap pa ang senador.

At batay sa pahayag ni Palace Spokesperson Claire Castro, may “standing order” mismo si Pangulong Bongbong Marcos para dakpin si Bato.

Nauna rito, sinabi ng Palasyo na may nagpalutang lang sa pagkakadakip kay Bato para mapagtakpan umano ang katotohanan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Pero heto ang mga dapat na ikonsidera rin.

Mariin ang pagsasabi ng Supreme Court na dapat idaan sa lokal na korte ang anomang pag-aresto ng Filipino bago maipadala sa ibang bansa para roon litisin sa anomang bintang ng dayuhang korte.

Kaso mang extradition ‘yan o may katulad ng kay Bato na may inisyu ang International Criminal Court na warrant of arrest.

May karapatan ang Filipino citizen na kwestiyunin sa lokal na korte ang kahilingan ng dayuhan na litisin siya at sa parte ni Bato, wala pang ganitong pangyayaring nababalita.

Nandiyan din ang kampanya ng United States na buwagin ang ICC para mapigilan ito sa pagbalewala sa kalayaan at soberanya ng lahat ng bansa at upang lutasin ng mga bansa ang sarili nilang mga problema nang walang pakialam ng iba.

Kung hindi susunod sa kampanya ang Pinas na kaalyado ng US, may mapaglalagyan ang Pinas gaya ng pag-alis ng ayudang militar at iba pa.

Ipagpalagay nang totoong nahuli na si Bato, ano ang pumipigil sa gobyernong Marcos na ilitaw sa publiko?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here