Home OPINION PALASYO ‘DI NAKIKIALAM SA IMPEACHMENT?

PALASYO ‘DI NAKIKIALAM SA IMPEACHMENT?

2
0

NITONG huling State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, hindi nito binanggit ang nagaganap na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

At sinabi ng mga taga-Palasyo na patunay ito na hindi nakikialam mismo ang Pangulo sa nagaganap at kinikilala nito ang pagiging independiyente ng Senado, maging ang Impeachment Court na nilikha nito para litisin si VP Sara.

Ngunit hindi pa natutuyo ang tumalsik na laway ng mga taga-Palasyo sa pagkilala sa separation of powers na takda ng Konstitusyon sa pagitan ng Ehekutibo o Palasyo at Kongreso, ang Senado sa partikular, agad namang lumabas ang tunay na kulay ng Palasyo.

Mariing kinontra ng Palasyo ang pagkiling ni impeachment Presiding Officer Chiz Escudero na tanggapin ng Impeachment Court ang kahilingan ni Senador Rodante Marcoleta na payagan silang dalawa ni Sen. Jinggoy Estrada na makasali sa lahat ng araw ng nasabing paglilitis.

Ngunit may kondisyon si Escudero sa pagsasabing basta hindi suspendido ng Sandiganbayan ang kanilang pagiging senador.

Agad na sinusugan ang ideya ng suspensyon mismo ni Palace spokesperson Claire Castro.

Ngunit dinagdagan pa nito ng paniniwalang special treatment umano ang pagpayag na sumali sila sa pagdinig at kung magaganap ito, posibleng mabigyan na rin umano ang iba pang nakabilanggo ng katulad na pagtrato sa anyo ng “virtual freedom.”

Sa ngayon, suspendido si Estrada ng 90 araw simula noong Hunyo 16, 2026 at ipinatupad ito ng Senado noong Hunyo 22, 2026

Ngayon naman, nakabinbin at wala pang desisyon ang Sandiganbayan sa usaping suspensyon kaugnay kay Marcoleta.

Isa sa pangunahing argumento nina Marcoleta at Estrada ang hindi nila pagiging convict o deklaradong nagkasala sa mga paratang sa kanila nang pinal na desisyon, na karaniwang galing sa Supreme Court, para alisan sila ng buong karapatan bilang senador at senador-hukom sa Impeachment Court.

Karaniwang nabibingwit ang isda sa sariling bibig!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here