MADALAS na inirerekomenda ng isang doctor ang pagbabakasyon o pamamalagi sa lugar na malapit sa dagat dahil nakabubuti ito sa kalusugan. Mas higit itong pinagtibay ng isang pag-aaral sa labinglimang bansa ayon sa Science Daily, isang Science news website.
Matagal nang paniniwala na maganda ang naidudulot ng simoy ng hangin sa mabilis na pagganda ng kalusugan.
Alam n’yo bang noon pa mang 1600 century ay ginagamit ng therapy ng mga doctor mula sa England, United Kingdom ang pagbababad, paliligo at paglalakad sa dagat para sa ilang karamdaman.
Hanggang sa naging popular ito noong 1800 century lalong-lalo na sa mga pinakamayamang pamilya sa Europa.
Unti-unting nakalimutan ang “living by the sea therapy” sa pag-unlad ng Western medicine noong 1900 century.
Pero sa kasalukuyan ay unti-unti na namang itong nagiging popular bilang isang “modern medical treatment”. May isang grupo ng mga researcher ang pinag-aralan ang mga datus mula sa Europa at Australia, pinag-aralan nila kung sadyang may tulong ang dagat at ang kalusugan.
Nagtanong sila sa 15,000 katao at napag-alaman nilang ang mga tao na malapit na naninirahan sa mga dalampasigan o mga madalas bumisit sa tabing-dagat ay mayroong “general good health condition” sa lahat ng mga bansang sinuri.
Kaya naging rekomendasyon ng mga mananaliksik ay bigyan ng mas malaking pagkakataon ang mas maraming pasyente na madala sa coastal communities.
Lumabas din sa pag-aaral na 53.4% ng mga na-survey na nagtutungo sa malapit sa dagat ay nagkakaroon ng magandang pakiramdam buhat sa kanilang karamdaman lalo na iyong may chronic illnesses.
Magandang tingnan ang magandang resulta ng pag-aaral na ito base sa perspektibo ng Pilipinas lalo pa’t isa tayong archipelagic country na napapalibutan ng katubigan.
Mayroon nga tayong 815 coastal municipalities sa kabuuang halos 1,500 na mga bayan.
Makatutulong sa “preventive” side ng mga pangunahing karamdaman na siyang isinusulong ng Universal Health Care law.





