Home OPINION SOLGEN, ‘PINABILIB’ MGA PINOY

SOLGEN, ‘PINABILIB’ MGA PINOY

“MATINDI” ang ‘pressure’ ngayon kay Solicitor General Menardo Guevarra na magbitiw na sa pwesto.

Tumanggi kasi siyang “mag-abogado” para sa Malakanyang, Department of Justice at Philippine National Police hinggil sa mga petisyon sa Korte Suprema upang makabalik sa ‘Pinas si ex-President Rody Duterte.

Ang ‘Office of the Solicitor General’ o OSG, mga kabayan, ang ‘official lawyer’ ng buong ‘Executive Branch’ sa anomang kaso sa lahat ng korte kaya sadyang nakagugulat ang desisyon ni ‘Solgen.’

Sa kanyang argumento sa SC nitong Lunes, idiniin niya na hindi pwedeng abogado ng gobyerno ang OSG dahil ang kasabwat, ehek, ang sangkot, sa usapin ay ang ‘International Kangaroo, err, Criminal Court’.

“Hawak” na ng ICC si Digong sapul pa noong Marso 12, matapos siyang ‘i-deliver’ ng gobyerno sa ‘The Hague’ sakay ng ‘private plane’ na palaging ginagamit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mga biyahe.

Ang punto ni Solgen, “opisyal” na posisyon ng gobyerno na “hindi makikipagtulungan” sa ICC dahil nga wala na itong hurisdiksyon sa atin at hindi na tayo miyembro nito. Kumalas tayo sa ICC sapul pa noong Marso 2019.

Noon lang isang taon, kahit si PBBM at ang DOJ matigas ang deklarasyon na hindi tayo makikipagtulungan o makikipagsabwatan (na siyang nangyari) sa ICC hinggil sa kaso ni Digong.

“Gumagana,” rin anila, ang ating sistema ng hustisya pero, ‘anyare? He! He! He!.

Sa mga tinuran ni Solgen, lumabas tuloy na sadyang kwestyonable ang mga naging aksyon ng ating gobyerno kung bakit nasa kamay ngayon ng mga dayuhan ang ating dating pangulo.

Aber, kung abogado mo, ayaw kang ipagtanggol sa korte, aba’y “malaki ang problema mo,” tama ba, dear readers?

Kung ang sunod nating mabalitaan ay “sinibak” na ni PBBM si Solgen, wala na tayong dapat ikagulat.

Magkaganito man, nakuha naman ni Solgen Guevarra ang paghanga at respeto ng mga Pilipino. Mantakin ba naman ninyo, mayroon pa palang may prinsipyong opisyal ngayon sa loob ng gobyernong ito?

Sana “all,” hehehe!