Home OPINION KATIWALIAN SA FLOOD CONTROL, TAMPOK SA IKA-4 NA SONA NI PBBM

KATIWALIAN SA FLOOD CONTROL, TAMPOK SA IKA-4 NA SONA NI PBBM

255
0

SA kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) sa harap ng mga mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, miyembro ng diplomatikong komunidad, at iba pang mga panauhin, na nagtipon sa Batasang Pambansa ay muling igi­niit ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., ang de­terminasyon ng kanyang administrasyon na sugpuin ang katiwalian, paigtingin ang serbisyong panlipunan, at itaguyod ang hustisya para sa mga biktima ng ka­rahasan.

Tumanggap ng masi­ga­bong palakpakan at standing ovation ang pagbibigay-­riin ni Pangulong BBM sa aniya ay personal niyang nakitang mga depektibong flood control projects sa kanyang naging pagbisita sa binahang lugar sa Malabon city at sa mga natanggap niyang ulat.

Kinuwestiyon niya ang bilyong-bilyong pondong ini­laan para sa mga proyekto sa pagbaha ngunit patuloy pa ring nararanasan ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng bansa.

Direktang sinabi ni Pa­ngulong BBM na may racket na nagaganap, may kickback, SOP (standard opera­ting procedure), at for the boys sa mga flood control project. Kaya tanong niya sa mga nakikipagsabwatan sa pagnanakaw sa pondo ng bayan, “Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Filipino.

Mahiya naman kayo sa mga kabahayang naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magma­mana sa mga utang na ginawa ninyo, na binulsa n’yo lang ang pera.

Kasunod nito ay inatasan niya ang Department of Public Works and Highways na magsumite ng listahan ng lahat ng mga naging proyekto kontra pagbaha sa nakalipas na tatlong taon, ang pagsusuri ng ng Regional Pro­ject
Monitoring Committee, at ang pagsasapubliko ng listahan. Pagseseguro pa niya, pakakasuhan ang mga may kinalaman maging ang mga kontratista.

Tiniyak rin ni Pangulong BBM sa mga kaanak ng mga “missing sabunge­ros” na patuloy na nag­ha­­hanap ng hustisya na nagpapatuloy ang imbestigasyon at papanagutin ng pamahalaan ang mga nasa likod ng mga misteryong pagkawala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here