Home OPINION SUMAMA ANG IMAHE DAHIL SA KONGRESO

SUMAMA ANG IMAHE DAHIL SA KONGRESO

286
0

SA isang matalas na panayam kamakailan, ibinulgar ng beteranong political strategist na si Lito Banayo ang tunay na kalagayan ng pulitika sa ilalim ng administrasyong Marcos: Isang bangungot aniya na bunga ng mga kapalpakan sa Kongreso, sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez.

“The 2025 budget was mangled by Congress,” tahasang sinabi ni Banayo.

Ayon kay Banayo, ang mga pondo para sa edukasyon, agrikultura, at kalusugan ay kinaltasan para mapunan ang pork barrel ng mga kongresista. Ang epekto? Nawalan ng kredibilidad ang administrasyon at nasira ang tiwala ng taumbayan. Sa halip na “Bagong Pilipinas,” ang nararamdaman nila ay “lumang problema.”

Hindi rin niya pinalampas ang pinakakontrobersyal na isyu na sasalubong sa 20th Congress: Ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Giit niya, mistulang minadali ang proseso dahil isiningit lamang ito bago mag-recess ang Kongreso.

” Can you really read and understand an impeachment complaint in just a few hours?” tanong ni Banayo. Dagdag pa niya, kaduda-duda rin na nataon ang pagpirma ng impeachment sa paglabas ng mga alokasyon ng pondo para sa mga distrito.

Sa puntong ito, dapat balikan ang paalala ni Congressman Toby Tiangco bago pa man sumiklab ang krisis. Ilang linggo bago ang halalan, nagbabala si Tiangco na ang impeachment laban kay VP Sara ay may masamang epekto sa kampanya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Hindi siya pinakinggan noon.

At ngayon, napatunayang tama si Tiangco. Talo sa Mindanao ang administration slate, naging hati ang Senado, at nabasag ang imahe ng administrasyon ayon na rin sa mga survey.

Sa likod ng lahat ng ito, tila malinaw na tinutukoy ni Banayo si Speaker Martin Romualdez. Siya ang arkitekto ng mangled budget. Siya rin ang nasa likod nang mabilis na pagpasa ng impeachment laban kay VP Sara. Siya rin ang ang dahilan kung bakit nalagay sa alanganin si Pangulong Bongbong Marcos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here