Home METRO Sultan Kudarat bird flu-free na

Sultan Kudarat bird flu-free na

MANILA, Philippines- Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang lalawigan ng Sultan Kudarat na avian influenza-free.

Sinabi ng DA nitong Martes na dahil idineklara na ang Sultan Kudarat na bird flu-free province, bibigyang-daan nito ang pagpasok at paglabas ng mga ibon tulad ng manok, pato, at iba pang poultry products sa lalawigan.

Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang deklarasyon.

Idineklara ito dahil mahigit 90 araw na “since the end of the cleaning and disinfection operations and  that surveillance activities yielded negative avian influenza test results.”

Unang naiulat ang kaso ng highly pathogenic avian influenza subtype H5N1 sa City of Tacurong at mga bayan ng Isulan, Lebak, Lutayan at President Quirino noong March 2022, base sa DA.

Naitala rin ang ilang pang kaso ng avian influenza na nakaapekto sa mga pato, manok, pabo, guinea fowls at gansa mula June 2022 hanggang February 2023, dagdag nito.

Sinabi ng DA na walang bird flu sa Sultan Kudarat bago naiulat ang mga unang kaso sa unang bahagi ng 2022. RNT/SA

Previous articleBan sa poultry importation mula Iowa, Minnesota kinalos na ng PH gov’t
Next articleShowtime hosts, nag-taping sa Family Feud; Karylle, hinahanap!