
SAMPOL lang ang 24 kataong Pinoy na pinalayas ni United States President Donal Trump at nakauwi na sa Pinas.
Sinasabi ng US department of Homeland Security na nasa 350,000 ang mga Pinoy na iligal na naninirahan sa US at pinoproseso o inaaral na kung sino-sino sa mga ito ang pupwedeng mapalayas o manatili roon.
Tiyak nating marami ang mapalalayas kaya dapat na talagang itodo ng pamahalaan ang mga hakbang para ayudahan sila.
Sinasabi ng Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na may mga nagtatrabaho nang lantaran at nagbabayad naman umano ng buwis at posibleng magiging maluwag sa kanila ang gobyernong Trump.
Subalit dapat na ang pinakamasamang kalagayan ang paghandaan ng gobyerno.
‘Yun bang === libo-libo o daan-daang libo ang posibleng mapalayas.
Ang mga walang panggastos sa pagsakay sa eroplano o barko kaya ang problema.
May nagnanais namang pumunta sa Canada o Mexico o ibang bansa ngunit paano kung gusto ng mga ito ang magpaasiste rin sa gobyerno natin?
Malaking gastos ang biyaheng US-Pinas at nangangailangan ito ng mula $41,000 hanggang $53,000, depende sa kung saan ka manggagaling kaya P50 mil na maliwanag ‘yan.
Eh may iba pang mga ibang gastusin na kakabit gaya ng pamasahe sa pagpunta sa airport sa US at pag-uwi sa mga sariling bayan kaya sa Pinas.
Nasaan na ang mga paghahanda ng ating gobyerno kahit man lang sa pagbiyahe?
PAANO KUNG WALANG MADATNAN O MAIUWI?
May problema pang malaki, mga Bro.
Kapag nakauwi ang libo-libo o daang libo at wala silang madatnan o naiuwi na puhunan para sa pagsisimula muli nila ng buhay, paano?
Hindi biro-biro ang libo-libo o daang libo na walang kita at panggastos at walang madaratnan na pagkakitaan sa Pinas.
Ang kawalan ng pagkakitaan at trabaho sa Pinas, sa katunayan, ang pangunahing dahilan kung bakit nag-aabroad ang mga ito.
At ngayong pinalalayas na sila sa US, paano ang pag-ayuda sa mga ito?
Ang mga badyet na pang-ayuda sa pambansang badyet sa 2025 ay nakalaan na sa mga partikular na grupo, gaya ng mga nasa Ayuda sa mga Kapos sa Kita Program, 4Ps, senior citizens, People With Disabilities, single mother at iba pa.
Pupwede ba ang mga deportee na makiamot sa mga tatanggapin ng mga benepisyaryong nabanggit?
At kung may ayuda namang sabihin nating cash, anak ng tokwa napakaliit ang mga ito at nilalamon nga lang ng napakamamahal na mga bilihin gaya ng bigas at serbisyo.
Paano kung kokorapin pa ang mga bilyon-bilyong pisong ayuda hanggang sa kakarampot na lang ang mapunta sa mga benepisyaryo?
WALANG BADYET?
Noong Nobyembre 5, 2024, nanalo si Trump bilang Pangulo at tinototoo na nito ang mas deportation na kanyang ibinababala sa ilang buwang kampanya niya noon.
May mga naniniwala na walang nakalaang badyet para sa mga deportee kahit pa nanalo na si Trump noong Nobyembre 5 at sakop pa ang panahon paglalaan ng badyet para sa 2025.
Paano na ngayon, kung totoo na walang badyet para sa malaking problemang ito?