Home NATIONWIDE Amihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa

Amihan, easterlies iiral sa ilang bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Asahan ang maulap na kalangitan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Northeast Monsoon o Amihan at easterlies.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar dahil sa easterlies.

Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains o thunderstorm dahil sa pinagsamang-epekto ng easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleEuwenn Mikaell, pasok na sa GMA7!
Next articleNHCP nagdaos ng seremonya sa EDSA People Power anniv