Home OPINION CL COPS, EX-LEFTISTS MAGKATUWANG NA SA MITHIING KAPAYAPAAN

CL COPS, EX-LEFTISTS MAGKATUWANG NA SA MITHIING KAPAYAPAAN

BREAKING news –  Isang 28- year old Nigerian ang  nadakip matapos ang mala-pelikulang action-packed car chase  sa Dinalupihan – Mariveles expressway sa probinsya ng Bataan.

Ang suspek na hindi muna pinangalanan ay kasama ang isa pang foreigner na nakunan ng CCTV nang kanilang basagin ang salamin ng nakaparadang Toyota Hi-Lux pick-up sa Barangay Tuyo, Balanga city.

Kaagad na humingi ng tulong ang 82-anyos na may-ari ng sasakyan sa mga pulis na mabilis rumesponde kung kaya’t nagkaroon ng habulan na umabot sa bayan ng Samal na halos 40 kilometro ang layo sa pinangyarihan ng krimen.

Ang ‘basag-kotse’ incident na ito na mga banyaga pa ang sangkot ay ‘rare incident’ kaya ipinag-utos ni Police Regonal Office 3 director P/BGen. Jose ‘Daboy’ Hidalgo., Jr., ang malalimang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.

***

Ang Central Luzon kung tawagin ay “hotbed” ng New People’s Army noon subalit ngayon ang mga dating rebelde ay peace loving citizens na ng rehiyon  at nakikipagtulungan na para makamit ang  mithing katahimikan.

Ang dating nag-aaway na mga pulis at nagbalik-loob na rebelde ngayon ay magkasangga at magkatuwang na para  sa iisang adhikain – ang makamit ang kapayapaan para sa pamilya at bayan.

Kamakailan  lang, mula Marso 11 hanggang 16, ay dumagdag sa mahabang listahan nang nagbalik-loob na NPA na kumikilos sa CL ang labing tatlo pang kasamahan nang sumuko sa awtoridad ng PRO3.

Ang mga surrenderee ay mula Bataan, 4; Tarlac,  4;  Pampanga,  2;  Nueva Ecija, 1; Aurora, 1 at ang isa pa ay sumuko sa Regional Mobile Force Battalion 3.  Isinuko rin ang ilang armas, mga bala, explosives at explosive materials bilang senyales ng kanilang paglisan sa armed rebellion.

Inihayag naman ni Hidalgo ang kanyang pagkilala sa kahalagahan ng pag-uusap sa pagitan ng kanyang liderato at mga dating makakaliwang kasama nang sa gayon ay magkaroon ng positibong resulta para matuldukan na ang ‘local insurgency’.

“I commend the surrenderees for their courageous choice to embrace the path of peace and progress, emphasizing the importance of their contributions to fostering stability and prosperity in their communities,” pahayag ni Hidalgo.

Ang pulisya at mga returning left-leaning brothers ay nag-uusap, magkatuwang na kumikilos upang makamit ang inaasam na kapayapaan  sa Gitnang Silangan na kapuri-puring inisyatibo ng PRO3 na dapat ay mangyari sa lahat ng rehiyon.

Wish natin ay “sanaol” – ‘di lang sa CL  kundi sa buong bansa

Previous articleHUWAG MAGING KAMPANTE, MAG-INGAT SA PANIBAGONG SAKIT
Next articlePAG-ASA AT MGA GUBAT