Home NATIONWIDE Mga Pinoy ligtas sa Hawaii wildfires – consul

Mga Pinoy ligtas sa Hawaii wildfires – consul

WASHINGTON — Inihayag ng Philippine Consulate General in Honolulu nitong Biyernes (Manila time) na wala pa itong natatanggap na ulat ng Pilipinong biktima sa wildfires sa Maui Island sa Hawaii.

Sinabi ni Consul Pamela F. Duria-Bailon na hanggang nitong August 10, 2023, walang naiuulat na Pilipinong nasawi sa Philippine Consulate General sa Honolulu.

“The Consulate continues to be in touch with local authorities on the matter,” pahayag niya.

Sa abiso naman sa Facebook, hinikayat ng Consulate ang mga Pilipino sa mga lugar na apektado ng wildfires “to take precautions, evacuate their homes if ordered, and to regularly monitor updates from local authorities.”

Inabisuhan ang mga Pilipinong apektado ng wildfires na tumawag sa Philippine Consulate General sa Honolulu sa pamamagitan ng emergency hotline nito: (808) 253-9446.

“The Consulate is in touch with local authorities and closely monitoring the wildfires and the situation of Filipino nationals in the affected areas,” anito.

Base kay Hawaii Lt. Governor Sylvia Luke, 53 indibidwal ang naiulat na patay dahil sa mga pagliyab habang daan-daang inidbidwal ang nawawala.

Halos 300 tahanan naman ang nawasak, ayon sa Hawaii Emergency Management Agency. 

Idineklara ni US President Joe Biden ang major disaster sa Maui Island, at lahat ng federal government resources ay tumututok ngayon sa pagtulong sa mga apektado ng trahedya. RNT/SA