Paghinto sa infra projects sa gitna ng oil crisis, tinutulan ni Dizon

0

MANILA, Philippines - Tinanggihan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang panawagang ipahinto ang malalaking infrastructure projects, at iginiit na dapat pa nga itong pabilisin upang makatulong sa problema sa trapiko at konsumo ng gasolina. Ito ay matapos magmungkahi ang isang ekonomista na ipagpaliban muna ang mga proyekto upang mailaan ang pondo sa subsidies habang...

Higit P22.8M marijuana sinunog sa Cordillera

0

BENGUET, Philippines - Sinunog ng mga awtoridad ang mahigit P22.8 milyong halaga ng halamang marijuana sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa loob ng isang linggong operasyon, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa pahayag nitong Linggo, sinabi ng PNP na 18 operasyon ang isinagawa mula Abril 6 hanggang 12 na nagresulta sa pagkakadiskubre at pagsunog ng 71,873 ganap na lumaking...

Panukala sa pagpapalakas ng law school sa Eastern Samar inihain sa Kamara

0

MANILA, Philippines - Sa hangarin na mapalawig ang legal education sa Samar, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara nina Eastern Samar Rep. Christopher Sheen Gonzales at 4PS Partylist Rep Marcelino Libanan na nagsusulong na mabigyan ng institutional at academic support ang Eastern Samar State University College of Law sa Borongan City. Sa inihaing House Bill No 7578 ay  binigyang...

VP Sara hinamong humarap sa impeachment hearing

0

MANILA, Philippines - Hinamon ng ilang mambabatas si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment hearing na nakaiskedyul bukas, Abril 14, upang personal na sagutin ang isyu at hindi harangan ang proceedings sa pamamagitan ng pagpapasaklolo sa Korte Suprema. Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep Paolo Ortega, sagot sa mga akusasyon at hindi pagkukubli ang syang hinahanap...

Pangamba ng mga taga-MidEast, lumala matapos mabigo ng US-Iran talks

0

ISLAMABAD, Pakistan - Lumala ang pangamba sa Middle East matapos mabigo ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, kasunod ng higit 20 oras na negosasyon sa Islamabad, Pakistan. Ayon kay US Vice President JD Vance, hindi naresolba ang malalaking hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang panig, kaya umalis ang delegasyon ng US at Iran nang walang kasunduan....

9 opisyal ng PNPA, iimbestigahan sa hazing ng ilang kadete

0

MANILA, Philippines - Siyam na opisyal ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang inirekomenda ng Directorate for Investigation and Detection Management na isailalim sa pre-charge investigation kaugnay ng sinasabing hazing ng ilang kadete. Ang sinasabing insidente ng hazing ay kinasasangkutan ng hindi bababa sa 22 PNPA freshmen na nagtamo ng paso at mga sugat matapos umanong malantad sa halo ng...

PAGASA: Super Typhoon Sinlaku ‘di papasok sa Pinas; mainit na panahon, magpapatuloy

0

MANILA, Philippines - Ayon sa PAGASA, hindi papasok o mababa ang tsansa na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Cyclone Sinlaku na lumakas bilang super typhoon nitong Linggo ng hapon. Sa live weather broadcast ng PAGASA nitong Lunes, sinabi ni senior weather forecaster Aldczar Aurelio na hindi rin inaasahang maaapektuhan ng bagyo ang panahon sa bansa. Taglay ng...

Maisug, nagmartsa sa Korte Suprema para sa katarungan, solusyon sa krisis ng bansa

0

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng martsa at piket ang samahang Maisug sa harap ng tanggapan ng Korte Suprema upang ipanawagan ang katarungan laban sa politikal na pag-uusig na nangyayari ngayon sa bansa. Alas-9 ng umaga nang magtipon-tipon ang grupo sa Plaza Salamangka bago tumulak at nag martsa patungong Korte Suprema. Pangunahing sigaw ng grupo na solusyunan ang malaking problema ngayon na...

DOLE, naglunsad ng “TUPAD Tuloy Pasada” para sa Jeepney Drivers

0

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ang programang “TUPAD Tuloy Pasada” upang magbigay ng dagdag kita sa mga jeepney driver habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo. Sa ilalim ng programa, 134 jeepney driver na bumibiyahe sa piling ruta sa Metro Manila ang makatatanggap ng P695 kada araw, na katumbas ng minimum...

Manibela, maglulunsad ng 3-araw transport strike mula Abril 15

0

MANILA, Philippines - Maglulunsad ang transport group na Manibela ng tatlong araw na transport strike simula Abril 15, ayon sa pahayag nito nitong Lunes. Umiinit ang isyu dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo na umabot sa historikong mataas sa Pilipinas matapos ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong Pebrero 28, at ang pagharang sa mahalagang...