Tapyas, suspensyon ng excise tax gagana lang sa parating na gasolina
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na ang anumang pagbawas o pagsuspinde ng excise tax sa petroleum products ay para lamang sa mga bagong import ng fuel at hindi saklaw ang kasalukuyang imbentaryo. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang probisyon sa Republic Act No. 12316 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Marso 25 ay para lamang...
Semana Santa sasamantalahin ng DPWH para magkumpuni ng daan
MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, kasabay ng inaasahang pagluwag ng daloy ng trapiko ngayong Semana Santa. Ayon sa DPWH-National Capital Region, nagsimula ang road repairs noong Marso 30 at magtatagal hanggang Abril 6, na sumasaklaw sa Las Piñas, Muntinlupa, Maynila, Pasig, Valenzuela, at...
Shabu lab, nadiskubre sa Puerto Galera
CALAPAN CITY – Pinaigting ng mga awtoridad ang anti-drug operations matapos madiskubre ang isang hinihinalang shabu laboratory sa Puerto Galera, kung saan nakarekober ng ilegal na droga at mga materyales sa paggawa nito. Ayon sa Police Regional Office Mimaropa, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa isang barangay official noong Marso 29 hinggil sa umano’y illegal drug activity...
Holdaper utas sa sagupaan sa mga parak sa Samar
TACLOBAN CITY – Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan ang isa at naaresto ang ikatlong suspek matapos ang robbery-holdup sa isang bus terminal sa Catbalogan City, Samar, ayon sa pulisya. Batay sa ulat ng Samar Police Provincial Office, pumasok ang mga suspek sa cashier area ng terminal, nagdeklara ng holdap, at inutusan ang mga empleyado na ibigay ang kanilang...
15 tsuper nagpositibo sa surprise drug test sa Visayas
CEBU CITY / ILOILO CITY – Aabot sa 15 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa magkahiwalay na surprise drug tests sa Central at Western Visayas nitong Lunes, Marso 30, ayon sa mga awtoridad. Sa Cebu City, siyam na driver—apat na taxi driver at limang bus driver—ang nagpositibo mula sa 412 na driver...
Grad fee ng 8,000 studes, sasagutin ng Markina LGU
MARIKINA CITY – Sasagutin ng pamahalaang lungsod ng Marikina City ang lahat ng gastusin sa pagtatapos ng humigit-kumulang 8,000 estudyante sa pampublikong paaralan ngayong taon, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin. Saklaw ng programa ang mga magtatapos sa Grade 6 at senior high school, kung saan magbibigay ang lokal na pamahalaan ng libreng toga, graduation...
Delivery rider dinamba sa ‘holdap me’ sa QC
MANILA, Philippines – Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang delivery rider matapos umanong mag-imbento ng insidente ng holdap o “holdap me” sa Kamuning, Quezon City nitong Linggo ng gabi, Marso 29. Batay sa imbestigasyon, ang halagang ₱18,500 na dapat sana’y i-remit sa isang courier service company ay naipatalo umano sa online gambling. Una nitong ini-report sa Police Station...
Kumakalat na pekeng anti-rabbies vaxx, ibinabala ng FDA
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagkalat ng hindi rehistrado at posibleng tampered na anti-rabies vaccines sa merkado sa Pilipinas, kasunod ng pagkakaaresto sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa repacking at relabeling ng mga bakuna. Ayon kay FDA spokesperson Khay Magundayao, nahuli ang mga suspek na binabago ang labels at nire-repack ang mga bakuna,...
Wil, may libreng sakay sa krisis!
Manila, Philippines – May naisip na ambag si Willie Revillame ngayong nahaharap sa fuel crisis ang buong mundo—libreng sakay. Ramdam nga sa buong mundo ang epekto ng giyera sa Middle East. Nagbigay-daan ito para ideklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang national energy emergency. Sa tulong ng mga kaibigan, bumili si Willie ng anim na minibus para sa mga mananakay. Ibinalita ito mismo ng...
Magsasaka ginilitan sa GenSan
GENERAL SANTOS CITY — Natagpuang patay ang isang magsasaka na may hiwang lalamunan sa loob ng isang farmhouse sa Barangay Katangawan nitong Martes ng umaga, Marso 31, ayon sa mga awtoridad. Kinilala ang biktima bilang stay-in worker na nakatalaga sa fish farming, habang ang suspek ay kanyang katrabaho. Batay sa imbestigasyon, nadiskubre ng anak ng biktima ang kanyang ama na wala...












