Posibleng ‘energy lockdown’ sa Pilipinas, pinabulaanan ng Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Malakanyang ang posibleng "energy lockdown" habang patuloy na sumisirit ang presyo ng langis mula nang sumiklab ang labanan sa Gitnang Silangan. “Sa ngayon po, as we speak, wala po tayong nakikita,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Sa katunayan din aniya, nagpalabas na ang Department of Energy (DOE) ng...

Pribadong ospital, posibleng magtaas ng singil; presyo ng gamot, binabantayan ng DOH dahil sa oil crisis

0

MANILA, Philippines - Posibleng magtaas ng humigit-kumulang 5% ang singil ng ilang pribadong ospital sa bansa dahil sa patuloy na epekto ng oil crisis, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi). Sinabi ni PHAPi president Dr. Jose Rene De Grano na malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo ng diesel sa operasyon ng mga ospital, lalo na...

Kampanya vs human trafficking, pinaigting ng BI

0

MANILA, Philippines - Pinaigting ng Bureau of Immigration (BI) ang kampanya nito laban sa human trafficking, lalo na sa mga scheme na nag-aalok ng pekeng trabaho sa ibang bansa sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at nauuwi sa sapilitang pagtatrabaho sa online scam hubs. Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval sa isang forum sa Luneta Park, maraming Pilipino ang naloloko...

Pagtigil sa koleksyon ng SSS, GSIS, PagIBIG, PhilHealth contrib, ipinanawagan ni Sen. Imee

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Imee Marcos sa mga ahensya ng gobyerno na pansamantalang itigil ang buwanang koleksyon ng mandatory contributions sa SSS, GSIS, Pag-IBIG, at PhilHealth dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin dulot ng krisis sa Middle East. Ayon kay Marcos, dagdag-pasanin sa araw-araw na gastusin ng mga Pilipino, lalo na...

2-araw transport strike, matagumpay! – Piston

0

MANILA, Philippines - Idineklara ng transport group na Piston na matagumpay ang dalawang araw na transport strike noong Marso 26–27, matapos ang malawak na partisipasyon ng mga driver at operator ng iba’t ibang pampublikong transportasyon at suporta ng iba’t ibang sektor. Ayon kay Piston president Mody Floranda, naapektuhan ng strike ang ilang ruta sa buong bansa at mas marami pa...

Phivolcs: Lava effusion sa Mayon, ‘di palatandaan ng paglala

0

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang patuloy na lava effusion sa Mayon Volcano ay hindi nangangahulugan ng paglala ng aktibidad ng bulkan. Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, ang mga pagguho ng lava ay normal na bunga ng hindi matatag na naipong lava at hindi agad indikasyon ng mas malakas na pagputok. Sinabi...

Negosasyon ng PH, China sa isyu ng South China Sea tuloy sa kabila ng krisis sa enerhiya

0

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang mga negosasyon ng Pilipinas at China, pati na rin ng ASEAN at China, kaugnay sa isyu ng South China Sea sa kabila ng mga pagbabago sa in-person meetings dahil sa banta ng problema sa suplay ng langis. Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Marso 27 na isinasagawa sa Quanzhou, China ang...

Atong Ang, nasa Pinas pa rin – BI

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nasa Pilipinas pa rin umano si fugitive businessman Atong Ang na iniuugnay bilang umano’y mastermind sa kaso ng missing sabungeros. Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na batay sa kanilang records, walang naitalang paglabas ng bansa si Ang mula nang lumutang ang kaso ng mga nawawalang sabungero. “Sa record po natin, nakikita...

Austria, planong ipagbawal social media sa edad 14 pababa

0

VIENNA, Austria - Inanunsyo ng Austria na balak nitong ipagbawal ang paggamit ng social media para sa mga batang edad 14 pababa, dahil umano sa masamang epekto nito tulad ng addiction, karahasan, maling impormasyon, at hindi makatotohanang pamantayan ng kagandahan. Ayon kay Vice-Chancellor Andreas Babler, mahirap para sa mga magulang na kontrolin ang paggamit ng kanilang mga anak sa mga...

Chinese nat’l nabuking sa dobleng identidad – BI

0

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na nabuking ang umano’y dobleng identidad ng Chinese national na si Chen Zhong Zhen matapos magtugma ang kanyang fingerprints sa isa pang pangalan na si Joseph Cue Sy. Batay sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI), iisang tao lang ang gumagamit ng dalawang identidad, matapos makuha ang fingerprint records mula...