Bersyon ng Senado sa kapangyarihan sa fuel excise tax, inadopt ng Kamara

0

MANILA, Philippines - Pinagtibay ng House of Representatives ang bersyon ng Senado ng panukalang batas na magbibigay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihang suspendihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Inaprubahan ito sa pamamagitan ng voice vote, na nagbigay-daan upang hindi na kailanganin ang...

Karapatan ng mga Pinoy na marinig sa Korte ng Pinas, pinagtibay ng Senado

0

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Senado nitong Martes ang isang resolusyon na pinangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magbibigay-proteksyon sa mga Pilipinong nahaharap sa pag-aresto sa ibang bansa. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 307, titiyakin na mabibigyan ng sapat na panahon ang isang Pilipino para makadulog sa korte sa Pilipinas at magamit ang kanyang legal na...

VIP treatment kay Bong Revilla sa QC Jail itinanggi ng BJMP

0

MANILA, Philippines - Iginiit ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi binibigyan ng special treatment si dating Senador Bong Revilla Jr. habang nakaditine ito sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD).Reaksyon ito ng BJMP sa napaulat na mayroon umanong hiwalay na air-conditioned detention area si Revilla na may “special comfort room” pa para sa kanyang mga...

Mga manggagawa, pobreng pamilya bibigyan ng 10KG bigas ng gobyerno

0

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipamahagi ng administrasyon ang rice assistance program na magbibigay ng 10 kilo ng bigas kada buwan sa middle-class workers at vulnerable families. Bahagi ito ng package para pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace press officer Claire Castro na ang ayuda ay ipamamahagi sa buong taon...

2 gasolinahan sa Vizcaya, E. Samar kinasuhan sa overpricing

0

MANILA, Philippines - Nagsampa na ng kaso ang Philippine National Police (PNP) laban sa dalawang gasolinahan sa Nueva Vizcaya at Eastern Samar dahil sa overpricing ng fuel sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, natuklasan ang mga paglabag sa pamamagitan ng monitoring at validation...

P6.4M puslit na yosi itinago sa cement mixer truck, buking sa checkpoint

0

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga awtoridad ang P6.4 milyong halaga ng smuggled na imported na sigarilyo na itinago sa loob ng isang cement mixer truck sa isinagawang checkpoint operation sa Matanog, Maguindanao del Norte nitong Martes. Ayon kay Brig. Gen. Jaysen de Guzman, direktor ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), pinara ang sasakyan sa national highway sa Barangay...

Tatay nahuling ‘bumabatak’ tinigbak ng anak

0

MANILA, Philippines - Patay ang isang 47-anyos na lalaki matapos umano itong saksakin ng kanyang menor de edad na anak sa Batangas City kasunod ng pagtatalo hinggil sa paggamit ng ama ng ilegal na droga. Kinilala ang biktima na residente ng Barangay Sta. Clara, na idineklarang dead on the spot matapos magtamo ng saksak sa leeg. Naganap ang insidente bandang...

Pagtutulak sa VP Sara impeachment bunsod ng takot na mapanagot sa flood control probe – solon

0

MANILA, Philippines - Naniniwala si Navotas Rep. Toby Tiangco na ang pagtutulak sa impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte ay maaaring udyok ng takot ng ilang mambabatas na mapanagot sa umano’y anomalya sa flood control, lalo na kung ito ay tatakbo sa pagkapangulo sa 2028. Ayon kay Tiangco, dapat nakatuon ang impeachment sa pananagutan at hindi gamitin bilang paraan...

Price cap sa imported rice, ipatutupad ng DA vs sirit-presyo

0

MANILA, Philippines - Nagrekomenda ang Department of Agriculture (DA) ng pagpapatupad ng price cap sa imported rice matapos nitong matukoy ang “unreasonable” na pagtaas ng presyo na iniuugnay sa global oil shock sa gitna ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., umaabot na sa P55 hanggang P58 kada kilo ang bentahan ng imported rice—lampas...

MMDA, aagapay sa commuters sa March 19 transport strike

0

MANILA, Philippines - Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng Libreng Sakay program upang tulungan ang mga commuter sa gitna ng transport strike sa Marso 19. Ayon kay MMDA General Manager Nicholas Torre III, nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga security forces at iba pang sangay ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng tigil-pasada. “MMDA is closely coordinating...