Utang ng Pinas, lumobo pa sa P18.13T sa Enero 2026

0

MANILA, Philippines - Lumobo na sa P18.13 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong Enero 2026 makaraang i-frontload ng administrasyon ang pag-iisyu ng utang upang makakuha ng mas mababang interes, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Base sa datos ng BTr, mas mataas ito ng 2.41% kumpara sa P17.707 trilyon noong Disyembre, at 11.16% namang mas mataas kumpara sa P16.312...

PNP naghigpit-seguridad sa US, Iran, Israel embassy sa Pinas

0

MANILA, Philippines — Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa ilang embahada sa bansa kasunod ng naganap na protesta malapit sa United States Embassy sa Maynila nitong Martes. Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagdagdag ng mga pulis na itatalaga upang bantayan ang mga embahada at pamahalaan ang trapiko sa mga lugar na posibleng pagdausan...

Drayber na biglang-hinto sa NLEX para pulutin patay na hayop, ipinatawag, suspinde-lisensya sa LTO

0

MANILA, Philippines - Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng isang sedan matapos itong huminto sa North Luzon Expressway (NLEX) upang pababain ang isang pasahero na kumuha ng patay na hayop sa kalsada. Ayon sa LTO, naglabas sila ng show cause order (SCO) laban sa driver kaugnay ng insidenteng naganap noong Pebrero 26 na nakunan sa isang video...

2 dedo, 4 sugatan sa pamamaril sa Parañaque

0

MANILA, Philippines - Dalawang katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa isang pamamaril sa Parañaque City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya. Ayon kay Parañaque City Police chief Nicolas Piñon, naglalaro ng basketball ang mga biktima nang biglang magpaputok ang isang 59-anyos na lalaki gamit ang 9mm pistol. "Yung gunman ay residente ng isang unit doon sa residential building...

Solon: 4-day workweek, online class muna vs mataas na presyo ng langis

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang mambabatas na ipatupad ang four-day workweek at online classes para sa mga estudyante upang mabawasan ang epekto ng posibleng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan, dapat nang paghandaan ng pamahalaan at pribadong sektor ang pansamantalang work-from-home setup para sa mga...

Manhunt ops ikinasa vs 21 indibidwal na isinasangkot sa maritime stude hazing

0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa hazing na ikinasawi ng 19-anyos na maritime student sa Cavite. Sa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na 21 katao ang natukoy na may kaugnayan sa insidente, kabilang ang siyam na suspek na may...

DILG gagamit ng satellites para matunton si Atong

0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panibagong malawakang manhunt laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na patuloy na nagtatago matapos maisyuhan ng warrant of arrest kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, isasama sa operasyon ang buong security apparatus ng pamahalaan. “We have a big manhunt...

Iranian warship sa Sri Lanka, pinalubog ng US submarine; 87 tigok

0

GALLE, Sri Lanka/WASHINGTON — Lumubog ang isang Iranian warship matapos tamaan ng torpedo mula sa US submarine sa karagatan sa timog ng Sri Lanka, na ikinasawi ng hindi bababa sa 87 mandaragat at nagpalawak sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Kinilala ng deputy foreign minister ng Sri Lanka ang barko bilang frigate na IRIS Dena,...

300 Pinoy mula Dubai na naipit sa US-Iran tension, nakauwi na ng Pinas

0

MANILA, Philippines - Halos 300 Pilipino mula sa Dubai ang dumating sa Pilipinas nitong Huwebes ng umaga matapos silang mailikas ng pamahalaan dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East kaugnay ng alitan ng Estados Unidos at Iran. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabuuang 299 Pilipino ang sakay ng eroplano na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)...

10 oil tanker inatake ng Iran sa Strait of Hormuz

0

Inatake ng Iran ang 10 oil tanker na dumaraan sa Strait of Hormuz makaraang hindi umano makinig ang mga ito sa babala na huwag silang dumaan dahil isinara na nila ang karagatang ito. Kaugnay nito, dahil gusto pa rin ng mga kompanyang barko na bumiyahe paloob at palabas sa Persian Gulf karga ang mga langis at iba pang mga kalakal,...