Ulan, ‘di umubra sa higit kalahating milyong dumagsa sa Binondo para sa Chinese New Year 2026
MANILA, Philippines - Hindi natinag ang mga bumisita sa Binondo, Maynila upang saksihan ang pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw kahit pa bumuhos ang malakas na ulan. Isa sa naging aktibidad ng Filipino-Chinese Community sa Chinese New Year ay float parade kung saan kasama si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso. Suot ang kulay pulang polo shirt at sumbrero bilang maswerteng kulay...
CamNor niyanig ng M4.3 lindol
CAMARINES NORTE, Philippines - Isang magnitude 4.3 na lindol ang naramdaman sa baybayin ng Camarines Norte nitong Martes, Peb. 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon sa Earthquake Information No. 1 ng Phivolcs, naganap ang lindol ng 2:01 a.m., na may epicenter na 67 kilometro hilagang-silangan ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte. Ang lindol ay may...
24/7 EDSA rehab, isasagawa ngayong Semana Santa – DPWH
MANILA, Philippines - Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na muling magsagawa ng 24/7 na pagkukumpuni sa kahabaan ng EDSA ngayong Semana Santa upang mapabilis pa ang proyekto. Ang unang bahagi ng rehabilitasyon mula Roxas Boulevard hanggang EDSA Orense sa Makati, na nagsimula noong Disyembre 24, 2025, ay halos 50 porsyento nang natapos. Layon nito na matapos ang...
Pagsasagawa ng ‘digital media fasting’, hinikayat ng CBCP ngayong Kuwaresma
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mananampalataya na mag-obserba ng “digital media fasting” ngayong Kuwaresma bilang paraan upang muling matuklasan ang katahimikan, panalangin, pagninilay, at tunay na relasyon. Sa isang pastoral letter na nilagdaan noong Biyernes, sinabi ni CBCP President Archbishop Gilbert Garcera na ang digital media fasting ay isang “makabagong pagpapahayag...
Labi ng nawawalang biyuda ng barangay chair sa Angeles City, nakita sa kanilang bakuran
PAMPANGA, Philippines - Natagpuan ang labi ni Maria Teresa “Tess” Mamac, biyuda ng yumaong chairman ng Barangay Balibago, Angeles City, sa loob ng kanilang compound noong Lunes, ayon sa pulisya. Ang katawan ni Mamac ay natagpuan limang talampakan sa ilalim ng lupa sa isang hukay malapit sa piggery ng kanilang bahay bandang 5 p.m. Ani Police Colonel Joselito Villarosa Jr., hepe...
Cha-Cha, ‘di napag-uusapan sa ngayon – Malakanyang
MANILA, Philippines - Sa ngayon ay hindi napag-uusapan sa anumang pulong sa Malakanyang ang panukala ukol sa Charter Change (Cha-Cha). Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi nabibigyan ng pansin kung anuman ang suhestiyon sa bagay na ito. "Sa ngayon po, hindi po iyan napag-uusapan sa anumang pagpupulong. Hindi po nabibigyan ng pansin kung...
Higit P5M droga, armas nasamsam sa Central Visayas; 196 arestado
CEBU, Philippines - Mahigit P5.2 milyon halaga ng shabu at ilang mga armas ang nasamsam sa sunud-sunod na operasyon ng pulisya sa Central Visayas mula Pebrero 8 hanggang 14, na nagtapos sa Araw ng mga Puso. Ayon sa Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7), nakumpiska ang 769.27 gramo ng shabu at naaresto ang 196 na suspek sa droga, kabilang ang anim...
6 patay, 45 sugatan sa tumaob na bus sa southeastern Brazil
BRAZIL - Anim na pasahero ang nasawi at 45 ang nasugatan matapos mabangga at tumaob ang isang bus sa BR-153 federal highway malapit sa lungsod ng Marilia, estado ng Sao Paulo, ayon sa mga lokal at pederal na awtoridad. Ang bus ay nagdadala ng mga manggagawa sa sakahan mula sa Maranhao patungong Santa Catarina para sa pag-ani ng mansanas. Iniimbestigahan pa...
DFA, nabahala sa banta ng China sa trabaho ng mga Pilipino
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pag-aalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pahayag ng Chinese Embassy na maaaring mawalan ng milyon-milyong trabaho ang mga Pilipino dahil sa tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ayon sa DFA, mahalaga ang kooperasyon sa lahat ng larangan ngunit hindi dapat gamitin bilang panakot o leverage. Hinimok nila ang embahada na gumamit ng maingat at...
Mga tinukoy na ‘co-perpetrators’ ni Digong, ‘di dapat magtago kung sila’y inosente – Malakanyang
MANILA, Philippines - Naniniwala ang Malakanyang na walang dahilan para magtago ang mga tinukoy ng International Criminal Court (ICC) na co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo "Digong" Roa Duterte sa crimes against humanity case kung alam nila sa kanilang sarili na sila'y inosente. “Una-una, kung kayo magtatago, ano bang ibig sabihin niyan? “Kayo ba 'yung may kasalanan? … Hindi po kinakailangang magtago...












