BARMM poll, suportado ni PBBM pero ‘di papayagan paglabag sa batas

0

MANILA, Philippines — Nanatiling suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdaraos ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections subalit hindi niya papayagang lalabag sa umiiral na batas. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ginagalang ng Pangulo ang assessment ng Commission on Elections (Comelec) sa pangangailangan na ipagpaliban ang...

2 batang nakamotor, utas sa bangga ng trak

0

TUBIGON, BOHOL — Dalawang magkapatid ang nasawi matapos mabangga ng delivery truck ang kanilang motorsiklo sa national road sa Barangay Ilijan Norte noong Martes ng umaga, Enero 27. Base sa ulat, ang mga biktima na may edad 13 at 14 ay nagmamadali upang kumuha ng pagsusulit at bayaran ang kanilang matrikula. Ang 14 na taong gulang ang nagmaneho at walang suot...

Nagnakaw ng alak sa nasusunog na QC Supermarket, ‘di namin tauhan – BFP

0

QUEZON CITY — Itinanggi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Huwebes na ang kanilang mga tauhan ang nakuhang video na kumukuha ng alak mula sa isang nasunog na supermarket nitong Miyerkoles. Ayon kay Fire Superintendent Anthony Arroyo, tagapagsalita ng BFP, hindi naka-uniporme ng BFP ang mga tao sa video. Nangyari ang kuha habang isinasagawa ang firefighting at mop-up operations. "Kung mapapatunayan...

Walang shortage sa bigas – DA

0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) Huwebes na walang kakulangan sa bigas sa kabila ng mahabang pila sa ilang rice mill sa Bocaue, Bulacan. Lumabas sa ulat online ang mga larawan at report ng mga retailer na halos magdamag na pumipila para makakuha ng limitadong suplay ng bigas. Ayon sa mga importer, karamihan ng imported na bigas ay...

P10M marijuana plants sa Benguet, binunot

0

KIBUNGAN, Benguet – Halos umaabot sa ₱10.63 milyong halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication campaign sa Sitio Les-eng at Sitio Batangan, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet. Ang operasyon ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency–Cordillera (PDEA-CAR), katuwang ang National Bureau of Investigation–CAR (NBI-CAR), Benguet Highway Patrol Group, at Kibungan Municipal Police Station. Una...

Sariling parak ng Ombudsman, lilikhain vs korap

0

MANILA, Philippines - Nakatakdang palakasin pa ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson ang kapangyarihan ng Office of the Ombudsman, bukod sa ilang probisyon ng transparency sa gawain nito, upang mahusay na maipatupad ang tungkulin. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na may ilang panukalang inihain sa Senado upang mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa pamamagitan ng karagdagang kapangyarihan...

PDEA nagbabala laban sa ‘Peyote’

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko tungkol sa paglaganap ng “Peyote” dahil sa mapanganib nitong epekto at legal na panganib sa pagbebenta online. Ayon kay Director General Isagani Nerez, ang cactus na kilala sa siyentipikong pangalan na Lophophora williamsii ay naglalaman ng mescaline, isang malakas na hallucinogen na maaaring makaapekto sa pang-unawa at pagpapasya. “Users...

‘Anti-epal’ guidelines sa pamamahagi ng AICS, binuo ng DSWD

0

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules na kasalukuyan nitong binubuo ang “anti-epal” guidelines upang matiyak na hindi makikialam ang mga politiko sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Sa isang pagdinig sa Senado, tinanong ni Senator Sherwin Gatchalian si DSWD Crisis Intervention Program Head Artemio Bautista tungkol sa mga...

Ilegal na pagawaan ng sigarilyo sa Pampanga, sinalakay ng BOC

0

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang hinihinalang ilegal na pabrika ng sigarilyo bunsod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na durugin ang smuggling at protektahan ang kita ng gobyerno. Nabatid sa BOC na isinagawa ang operasyon noong Enero 28 sa isang bodega sa Lot 2645, Panipuan, Mexico, Pampanga, matapos makatanggap ng ulat...

Walang agarang balasahan sa PNP – Nartatez

0

MANILA, Philippines - Ipinagkatiwala ni Police Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na bagong apat na bituin at punong hepe ng PNP, na walang agarang malawakang reorganisasyon sa puwersa. “Walang abrupt o sweeping reshuffle. Anumang paggalaw ay magiging maayos, planado, at nakabatay sa pangangailangan ng organisasyon,” ani Nartatez, na binigyang-diin ang pagpapanatili ng katatagan sa puwersa. Kumpirmado rin na magpapatuloy ang...