DOJ walang impormasyon kung nasaan si Atong Ang
MANILA, Philippines - Wala pang kumpirmasyon o natatanggap na opisyal na impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa kung nakalabas na ng bansa si Atong Ang na itinuturing na pugante kaugnay sa nawawalang sabungeros. Ang pahayag ng DOJ ay kasunod ng mga balitang kumakalat na umalis na ng bansa si Ang at ang iginigiit ng whistleblower sa kaso na naniniwalang...
Senate minority report sa flood control scam, inilabas
MANILA, Philippines – Inilabas nina Sen. Marcoleta at Sen. Imee Marcos ang minority report sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y katiwalian sa flood control projects. Tinukoy sa ulat ang ilang opisyal at pribadong indibidwal, kabilang sina House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ilang dating DPWH officials, Curlee at Sarah Discaya, at Orly Guteza. Inirekomenda...
Self-rated kahirapan, gutom ng mga Pinoy bumababa – OCTA
MANILA, Philippines - Iniulat ng OCTA Research nitong Martes ang malaking pagbaba sa self-rated poverty at food poverty ng mga Pilipino. Ayon sa kanilang Tugon ng Masa survey, 37% ng mga respondente o tinatayang 9.8 milyon na pamilya ang nagpakilala na mahirap noong Disyembre 2025, mula sa 54% o 14.3 milyon pamilya noong Setyembre 2025. Ito ang pinakamalaking single-quarter drop...
Unang impeachment complaint vs PBBM, “Dead on Arrival” sa Kamara
MANILA, Philippines - Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay “dead on arrival” sa House of Representatives. Sinabi ni Adiong na ang reklamo, na inihain noong Lunes ni abogado Andre de Jesus laban sa pangulo dahil sa graft, korapsyon, culpable violation ng Konstitusyon, at betrayal...
Voucher program sa private schools para sa kinder at Grade 6, isinusulong ni Gatchalian
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapalawak ng voucher program upang saklawin ang mag-aaral sa Kindergarten at Grade 6 na nasa pribadong paaralan. Sa ilalim ng mungkahi ni Gatchalian, isang voucher system na lamang ang ipapatupad sa pag-aabot ng tulong pinansyal sa mag-aaral sa pribadong paaralan. Nais ding tiyakin ni Gatchalian na sa ilalim ng magiging bagong sistema,...
Rice for All sa Navotas
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pag-iikot sa bawat barangay sa pamamahagi ng Rice for All para sa bawat pamilyang Navoteño. Sa pamamagitan ng NavoRehistro QR Code, makakatanggap ang bawat pamilya ng 5 kilong bigas. Kung sakaling hindi nakuha ang bigas, maaari itong kunin sa Navotas Convention Center mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. at dalhin ang...
120th Navotas Day Grand Parade
Mainit na sinalubong ng mga Navoteño sina Ms. Ahtisa Manalo at Ms. Max Collins na kasama nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa pagdiriwang ng 120th Navotas Day Grand Parade. Kasama sa parada ang mga kawani at opisyal ng pamahalaang lungsod, mga barangay, national government agencies, mga kawani ng sektor ng edukasyon, mga negosyo sa Navotas,...
Impeachment complaint laban kay PBBM, hindi makabubuti sa ekonomiya ng Pinas- Malakanyang
MANILA, Philippines - Hindi makabubuti sa ekonomiya ng Pilipinas ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, isang sagabal para sa Pangulo ang impeachment complaint. Tugon ito ng Malakanyang sa napaulat na mariing binatikos ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang impeachment complaint...
Revilla sa Quezon City Jail idi-detain
MANILA, Philippines - Ayon sa Sandiganbayan, ang dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr. ay iko-commit sa Quezon City Jail sa Payatas. Humiling ang kampo ni Revilla na siya ay idetain sa PNP custodial facility dahil sa security concerns, ngunit iginiit ng korte na sa Payatas siya ilalagay. Inanunsyo rin ng anti-graft court na ang pre-trial at arraignment ng lahat...












