Sekyu utas sa pamamaril sa Makati

0

MANILA, Philippines - Isang 39-anyos na security guard ang nasawi matapos pagbabarilin ng gunman na sakay ng motorsiklo sa harap ng isang condominium building sa Yakal Street, Barangay San Antonio, Makati City noong Linggo, Enero 18. Ayon sa ulat ng pulisya, papasok sana ang biktima sa isang kainan nang lapitan siya mula sa likuran ng isa sa mga suspek na...

Pagbabakuna ng Ligtas Tigdas sa kabataan, suportado ng PH Red Cross

0

MANILA, Philippines - Sinusuportahan ng Philippine Red Cross (PRC), katuwang ang mga international humanitarian at health partners, ang Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ng pamahalaan, isang nationwide vaccination campaign na layong protektahan ang milyun-milyong batang Pilipino laban sa tigdas at rubella. Sa pahayag nitong Martes, Enero 20, sinabi ng PRC na ang programa ay sinusuportahan ng International Federation...

Di lahat ng flood control na iniimbestigahan may anomalya – DOJ

0

MANILA, Philippines - Hindi kumbinsido ang Department of Justice (DOJ) na karamihan sa mga proyektong iniimbestigahan sa maanomalyang flood control ay mga ghost project. Inamin ito ni OIC DOJ Secretary Fredderick Vida habang tinitingnan ng panel ang alegasyon na ang mga maling ulat ng mga proyekto ay isinumite sa Palasyo nang magsimula ito ng sarili nitong imbestigasyon. Ayon kay Vida, hanggang...

Pagdiriwang ng ika-120th founding anniversary ng Lungsod ng Navotas

0

Sa pagdiriwang ng ika-120th founding anniversary ng Lungsod ng Navotas, itinaguyod ni Mayor John Rey Tiangco ang diskarte na hinihimok ang teknolohiya sa pagbibigay ng mga pampublikong serbisyo. Ang tema ng pagdiriwang ng Araw ng Navotas, “Navotas@120: eTAAS — Empowered Navoteños in a Tech-Driven, Accountable, Adaptive, Smart City,” na sumasalamin sa paglalakbay ng lungsod mula sa pagkakatatag hanggang sa patuloy...

DPWH: Walang nadamay na dokumento sa sunog sa DPWH-CAR

0

MANILA, Philippines - Walang nadamay na sensitibong dokumento sa kamakailang sunog na tumupok sa opisina ng Department of Public Works and Highways-Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) noong Miyerkules, Enero 14, sinabi ni DPWH Undersecretary Ricardo Bernabe III sa Senate Blue Ribbon Committee. Sa pagdinig sa Senado, sa multi-billion peso flood control scandal noong Lunes tinanong ni Sen. Risa Hontiveros si Bernabe...

Luistro: Dalawang impeachment kayang hawakan ng Justice committee

0

MANILA, Philippines - Naniniwala si House Committee on Justice Chairman at Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky” Luistro na kaya ng kanyang komite na dinggin ang dalawang impeachment cases nang sabay. “I have a lot faith in the members of the justice committee. Magagaling ang mga members ng justice committee, so I am confident, isa o dalawa, I think the...

China nagbanta sa PH officials sa “malicious information”

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang China sa mga opisyal ng Pilipinas sa patuloy na pagpapakalat ng tinawag nitong “malicious information” laban sa Beijing. Ang pahayag ay inilabas ni Guo Jiakun, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, bilang tugon sa mga pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) at West Philippine Sea spokesman Jay Tarriela tungkol sa paulit-ulit na pangha-harass umano ng China...

DOJ, maaaring kunin si Alcantara mula sa Senado – Sotto

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Martes na maaari nang kunin ng Department of Justice (DOJ) si dating DPWH Bulacan 1st district engineer Henry Alcantara mula sa kustodiya ng Senado anumang oras. Ito ay matapos sabihin ni Senate Blue Ribbon Committee chairperson Panfilo “Ping” Lacson noong Lunes na pumapayag siyang i-turn over si Alcantara...

21 baril isinuko ni Bong Revilla sa PNP

0

MANILA, Philippines - Isinuko ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang 21 baril sa mga awtoridad nang siya ay sumuko sa Philippine National Police (PNP), ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes. Sumuko si Revilla sa PNP at dumaan sa booking procedures noong Lunes ng gabi, matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third...

Pahayag ni Discaya sa restitution, pinalagan ng DPWH, Ombudsman

0

MANILA, Philippines - Sinagot ni Public Works Secretary Vince Dizon at ng Office of the Ombudsman nitong Martes ang pahayag ng contractor na si Curlee Discaya, na nagsabing pakiramdam niya ay “robbed” siya matapos utusang magbalik ng pera bilang kondisyon para matanggap sa Witness Protection Program. “Medyo makapal din naman talaga ang mukha nitong si Curlee Discaya,” sabi ni Dizon. Dagdag...