Tax relief ni PBBM, target aprubahan sa Agosto at ipatutupad sa Enero 2027 – Quimbo
MANILA, Philippines - Target ng Kamara na maaprubahan sa susunud na buwan ang panukalang tax relief ni Pangulong Bongbong Marcos upang maipatupad pagsapit ng sa Enero 1,2027, ayon kay House Committee on Ways and Means Chairperson at Marikina City Rep. Miro Quimbo. Ayon kay Quimbo, alinsunod sa direktiba nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ay...
P676.6-M halaga ng ilegal na droga winasak sa Cebu City
CEBU CITY — Sinira ng mga awtoridad ang 99.45 kilo ng mga mapanganib na droga na nagkakahalaga ng P676.6 milyon na nasamsam sa mga operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agencies. Ito ang pinakamalaking naipong bulto ng ilegal na droga na winasak ng PDEA mula noong 2017. Isinailalim sa thermal destruction ang mga droga sa...
Benepisyo para sa mga batang may developmental disability palalawakin ng PhilHealth
MANILA, Philippines — Palalawakin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) pagsapit ng ikaapat na quarter ng 2026 ang benefit package nito para sa mga batang may developmental disabilities, kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address. Sinabi ni Marcos na dodoblehin ang benepisyo ng PhilHealth para sa konsultasyon at therapy, habang itataas...
DOLE, suportado P350,000 income tax exemption
MANILA, Philippines — Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas mula P250,000 sa P350,000 ang taunang kita na hindi papatawan ng personal income tax. Ayon sa DOLE, makatutulong ang panukala upang madagdagan ang take-home pay ng milyon-milyong manggagawa sa buong bansa. Hinimok ni Marcos ang Kongreso sa kanyang kamakailang State of...
Transgender pageant candidate pinatay sa Bukidnon
CAGAYAN DE ORO CITY — Patay ang isang 23-anyos na transgender woman at beauty pageant candidate matapos pukpukin sa ulo ng matigas na bagay sa isang masukal na bahagi ng Barangay Sumpong, Malaybalay City, Bukidnon, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Betty Benito, residente at kinatawan ng Barangay Manalog sa isang beauty pageant. Natagpuan si Benito...
E-book series para turuan mga bata tungkol sa WPS, inilunsad ng DENR
MANILA, Philippines — Naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng tatlong-bahaging children’s e-book series upang turuan ang mga batang Pilipino tungkol sa West Philippine Sea, yamang-dagat nito, at kahalagahan ng pangangalaga rito. Inilunsad sa Quezon City ang unang aklat na “The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle (Pawikan)” kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo...
Mga mambabatas humiling ng imbestigasyon sa Pax Silica initiative
MANILA, Philippines — Nanawagan ang apat pang mambabatas ng imbestigasyon sa Kamara kaugnay ng US-led Pax Silica initiative dahil sa posibleng epekto nito sa kapaligiran, ekonomiya, lipunan, at pamamahala. Inihain nitong Martes nina Akbayan Party-List Reps. Percival Cendana, Chel Diokno, at Dadah Kiram Ismula, kasama si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, ang isang resolusyong humihiling ng pagdinig hinggil sa initiative...
Human trafficking sa Asian scam hubs, lumalala – UN
GENEVA — Lumobo ang human trafficking patungo sa mga scam compound sa Asia, kung saan mga biktima mula sa mahigit 80 bansa ang nahihikayat sa pamamagitan ng pekeng online job offers, babala ng International Organization for Migration. Ayon sa UN migration agency, aabot sa 300,000 manggagawa ang nasa malalaking scam center sa Myanmar, Cambodia, at Laos upang magsagawa ng online...
Senior citizen na dadalo sa hearing, pinagbabaril sa Iloilo
ILOILO, Philippines — Patay ang isang 62-anyos na lalaki matapos tambangan at pagbabarilin habang papunta sa korte kasama ang kaniyang 14-anyos na anak na babae nitong Martes ng madaling-araw sa Iloilo. Sakay ng motorsiklo ang mag-ama nang sandaling huminto sa Barangay Dangulaan, Anilao, upang may kausapin. Ayon sa pulisya, patungo sila sa korte sa Barotac Viejo para sa pagdinig ng kasong...
Suspek sa pagpatay sa SEA Games gold medalist, arestado sa Tarlac
TARLAC, Philippines — Arestado nitong Martes sa Bamban, Tarlac, ang pangunahing suspek sa pagpatay noong 2025 kay Southeast Asian Games gold medalist Mervin Guarte. Ayon kay Police Regional Office MIMAROPA director Brig. Gen. Christopher Dela Cruz, nadakip ang 35-anyos na suspek dakong alas-4 ng hapon sa Barangay Banaba. Ipinatupad laban sa suspek ang warrant of arrest para sa kasong murder na...












