Diesel, kerosene madaragdagan ng higit P10/L sa big-time price hike

0

MANILA, Philippines - Muli na namang haharap ang mga motorista at commuters sa panibagong dagdag-gastos makaraang ipatupad ang malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula Martes, Hulyo 21. Ayon sa Department of Energy (DOE), pinapayagan ang oil companies na magpatupad ng hanggang P3.65 kada litro na dagdag sa gasolina, P10.68 kada litro sa diesel, at P11.77 kada litro sa kerosene....

Gordon posibleng tumestigo sa paglilitis ng Sandiganbayan sa Pharmally

0

MANILA, Philippines - Posibleng tumestigo si dating Senador Richard Gordon sa paglilitis ng Sandiganbayan First Division sa Pharmally scandal sa Agosto. Ayon sa prosecutors, ipipresenta si Gordon sa susunod na pagdinig ng korte sa Agosto 3. Nililitis ng First Division ang graft case laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at dating Department of Budget and Management...

Statutory rape suspek tiklo sa Parañaque

0

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City police sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay ang isang 53-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong statutory rape sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City Linggo ng hapon, Hulyo 19. Isinagawa ang agarang pag-aresto sa ilalim ng pamumuno ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas S. Piñon na nagpapakita ng mabilis...

P2 fare hike inihihirit ng transport groups sa big-time oil price hike

0

MANILA, Philippines - Humihirit ng P2 fare hike ang mga transport group kasabay ng pagkonsidera ng nationwide strike sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East. Sa panayam ng GMA News, sinabi ni MANIBELA chaiperson Mar Valbuena na ang P1 fare increase ay hindi sapat. "At least sana P2 kasi nga 'yung losses pa namin noong...

Senior sa Taguig arestado sa kasong attempted homicide

0

MANILA, Philippines - Arestado ng Taguig City police ang isang 77-anyos na welder matapos umanong tangkaing saksakin ang isang 44-anyos na lalaki sa Barangay Ususan, Taguig nitong nakaraang Sabado, Hulyo 18. Ayon sa ulat ng Taguig Police, naganap ang insidente bandang alas-2:50 ng hapon. Kinilala lamang ang suspek sa alyas na "Rodolfo." Nabatid na isinasara ng biktima ang tarangkahan ng kanyang...

Lalaking tambay na nag-amok, naghasik ng kaguluhan laglag sa parak

0

MANILA, Philippines - Tiklo ang 36-anyos na tambay matapos takbuhan ang mga rumuspondeng pulis nang maghasik ng sindak at kaguluhan habang armado ng baril sa Caloocan City, napaulat. Hindi na nakapalag si alyas "Gabo" nang posasan ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili matapos masukol sa maikling habulan sa Grace Park West, Barangay 46 pasado...

Suporta ng DAR sa coffee, cacao planters sa Benguet palalakasin

0

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mas maraming oportunidad ang naghihintay sa mga nagtatanim ng kape at kakaw sa Kapangan, Benguet matapos silang maisama sa pagpaplano ng mga programang ipatutupad sa ilalim ng Value Chain Innovation for Sustainable Transformation in Agrarian Reform Communities (VISTA) Project ng Department of Agrarian Reform (DAR). Sa isinagawang participatory planning...

Pagmamaliit sa 2016 Arbitral Award sa WPS sa Pilipinas layunin ng AI Monkey video ng China – Pangilinan

0

MANILA, Philippines - Walang ibang layunin ang artificial intelligence-generated vide ng State-owned China Daily na nagsasabing lahing unggoy ang Filipino na hindi lamang racist at demoralizing kundi layunin nitong maliitin ang lawful victory ng Pilipinas sa 2016 Arbitral Award on the West Philippine Sea, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Sa interview ng Radio Veritas, binanggit ng senador ang video bilang...

Ex-basketball player ng San Beda patay sa pagsalpok sa concrete barrier sa NLEX

0

Bulacan - Patay ang dating basketball player matapos aksidenteng bumangga sa concrete barrier sa kahabaan NLEX- Meycauayan nitong Sabado ng umaga Hulyo 18. Sa ulat, kinilala ang nasawing mahusay na manlalaro na si John Vincent Gallego, 28, at dating San Beda baketball player. Ayon sa ulat, pabalik na ito sa Maynila nang aksidenteng sumalpok ang minamanehong sasakyan sa concrete barrier ng...

2 bata nawawala sa landslide sa gilid ng ilog sa Calamba

0

MANILA, Philippines - Dalawang bata ang napaulat na nawawala matapos ang landslide na nagresulta sa pagguho ng isang bahay sa gilid ng ilog sa Calamba City, Laguna nitong Linggo ng hapon, Hulyo 19 Nagkasa ang City Disaster Risk Reduction and Management Division ng search, rescue, and retrieval operation kasunod ng report ng trahedya sa Barangay Mapagong. Ang insidente ay dahil umano...