Bilang ng Senior sa Pinas mas dumadami – census
MANILA, Philippines - Mas dumami ang bilang ng mga senior citizen sa Pilipinas, ayon sa resulta ng 2024 Census of Population (POPCEN). Lumabas sa census na umabot sa 112.33 milyon ang kabuuang populasyon ng bansa. Sa bilang na ito, 10.2 porsiyento o isa sa bawat sampung Pilipino ay senior citizen. Mas mataas ito kumpara noong 2020, kung saan 8.5 porsiyento...
Plebisito sa Naga City, isasabay sa BSKE sa Nobyembre – Comelec
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kahilingan ni Naga City Mayor Leni Robredo na isabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026 ang plebisito para sa pagiging highly urbanized city (HUC) ng Naga City. Ayon sa Comelec, tanging ang mga rehistradong botante ng Naga City ang maaaring bumoto sa plebisito dahil isa...
Higit 100 bahay sa Norway natupok ng sunog
OSLO, Norway - Mahigit 100 bahay ang nawasak sa isang malaking sunog noong Biyernes malapit sa lungsod ng Drammen sa timog Norway. Ayon sa mga awtoridad, mahigit 60 bumbero at ilang helicopter ang rumesponde upang mapigilan ang pagkalat ng apoy, na pinalala ng malalakas na hangin. Binalot ng makapal na itim na usok ang lugar, habang inilikas ng pulisya ang daan-daang...
Mga Barangay officials sa Maynila, binalaan sa pagbibigay ng certification sa mga Badjao
MANILA, Philippines – Mahigpit na pinayuhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang mga Punong Barangay na huwag mag-isyu ng barangay certification sa mga Badjao na inaasahang dadagsa sa Metro Manila pagsapit ng "Ber" months. Ayon kay MDSW Director Jay Dela Fuente, direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na paigtingin ang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan upang mapigilan...
Visa-free entry sa Taiwan, pinalawig
MANILA, Philippines - Pinalawig ng Taiwan ang visa-free entry para sa mga may hawak ng Philippine passport ng isa pang taon. Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), maaaring manatili ang mga Pilipino sa Taiwan nang hanggang 14 na araw nang walang visa mula Agosto 1, 2026 hanggang Hulyo 31, 2027, basta't natutugunan ang mga umiiral na requirements. Sinabi ng...
Padilla, sinisi si Tarriela sa lumalalang propaganda ng China
MANILA, Philippines - Sinisi ni Sen. Robin Padilla si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela sa umano'y paglala ng "wartime propaganda" kasunod ng kontrobersyal na AI-generated video ng China Daily na nagpakita sa mga Pilipino bilang mga unggoy. Sa isang Facebook post, sinabi ni Padilla na si Tarriela ang unang nagpasimula ng sigalot. “Mr. Tarriela, it was you who drew...
Nasagip na PH eagle sa Bukidnon, patuloy na nagpapagaling
DAVAO, Philippines - Patuloy na gumagaling ang Philippine Eagle na si Sawaga-Dalwangan at inilipat na ito sa isolation at rehabilitation facility ng Philippine Eagle Center sa Davao City, 15 araw matapos itong masagip. Sa isinagawang checkup bago ang paglipat, natuklasan ng mga beterinaryo ang panibagong sugat mula sa air gun pellet sa kaliwang hita ng agila. Nauna na ring natanggal...
Tone-toneladang basura, inalis sa San Juan river
MANILA, Philippines - Malapit nang matapos ang maintenance cleanup sa San Juan River matapos alisin ang mahigit 116,000 metrikong tonelada ng basura at putik sa nakalipas na 10 buwan. Ayon sa San Miguel Corporation (SMC), umayos ang daloy ng tubig sa ilog at nabawasan ang panganib ng pagbaha sa San Juan, Manila, Mandaluyong, at Quezon City. Muling sinimulan ng SMC ang...
Saging na saba ng Pinas nagpatibay sa panimulang export sa New Zealand
MANILA, Philippines - Muling nagpadala ng sariwang saging na saba o cardava ang Pilipinas sa Auckland, ang ikalawang commercial shipment na nagpatibay sa pundasyon ng bansa sa New Zealand at hudyat na nakakakuha na ng atensiyon sa pandaigdigang merkado ang prutas na madalas ihain sa kusinang Pilipino. Ang pinakahuling shipment ng Avante Agri-Products Philippines Inc. na nakabase sa Davao City...
Karne ng aso inihain sa resto sa Benguet; kaso, isinampa
BENGUET, Philippines - Kinumpirma ng National Meat Inspection Service (NMIS) na karne ng aso ang laman ng isang pagkain na binili sa isang restawran sa La Trinidad, Benguet, matapos magpositibo ito sa dog DNA sa isinagawang laboratory test. Dahil dito, nagsampa ng apat na bagong kasong kriminal ang animal welfare advocate na si Atty. Amadeo Degay laban sa may-ari ng...












