Pilipinas target bumili ng missile launcher
MANILA, Philippines - Umaasa ang Pilipinas na makakabili ito ng mid-range capability missiles sa hinaharap, at nais ding magamit ang U.S.-deployed Typhon system para sa military training nito. Ayon kay Philippine National Security Adviser Eduardo Año, wala pang itinakdang timeline para sa withdrawal ng mid-range missile system ng Estados Unidos mula sa bansa na nauna nang ipinanawagan ng China na...
Dalaga patay sa ka-chat
CEBU CITY-- BINUSALAN ng panyo ang bibig at wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagang grade 12-student sa loob ng lodging house, kahapon, Setyembre 20 sa bayan ng Toledo. Kinilala ang biktimang si Mae Fatima Tagactac, 18-anyos, taga-Barangay Sto. Nino at estudyante ng Buanoy National High School, Toledo City. Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si...
Kapitan ng barangay itinumba sa Ilocos
MANILA, Philippines - Patay ang isang incumbent na kapitan ng barangay sa nangyaring pamamaril nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 20 sa Barangay 5, San Silvestre, San Nicolas, Ilocos Norte. Ang biktima na kinilalang si Jojo Bagay, kasal, at kapitan ng barangay ay binarily alas-6 ng gabi ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakaupo sa garahe ng kanyang tirahan. Dinala sa ospital...
#WalangKuryente sa bahagi ng NCR, Laguna at Bulacan mula Sept. 21-23
MANILA, Philippines - Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila, Laguna at Bulacan mula Setyembre 21 hanggang 23 dahil sa scheduled maintenance activities. Sa abiso, sinabi ng Manila Electric Company na magrerelocate ito ng mga pasilidad na apektado ng road widening sa NIA Road sa Bgy. Sinalhan, Sta. Rosa City, Laguna ngayong araw, Setyembre 21. Dahil dito,...
P167M badyet ng MTRCB para sa 2025, aprub sa Kamara
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Kamara nitong Biyernes, Setyembre 20 ang hiling na P167 milyong badyet ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa taong 2025. Sa kabila nito ay pinasusuri ng mambabatas ang kapangyarihan at mandato ng ahensya. Kasabay ng House plenary deliberations para sa proposed badyet ng MTRCB, inihayag ni Gabriela party-list Representative Arlene Brosas ang...
Diborsyong ginawa sa ibang bansa kikilalanin ng mga korte sa Pilipinas – SC
MANILA, Philippines - Hindi na kailangan ng decree ang mga diborsyong ginawa sa ibang bansa upang kilalanin sa Pilipinas, inanunsyo ng Korte Suprema nitong Biyernes, Setyembre 20. Sa pahayag, sinabi ng SC na kikilalanin ng mga korte sa bansa ang mga diborsyong isinagawa ibang bansa kung ito man ay ginawa sa pamamagitan ng administrative o legal process o ng mutual...
2 rider dedo sa banggaan ng motorsiklo sa Ilocos
MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang rider matapos magbanggaan ang minamaneho nilang mga motorsiklo sa Sinait, Ilocos Sur. Sa ulat nitong Biyernes, Setyembre 20, nag-overtake umano ang isa sa mga motorsiklo saka bumangga sa kasalubong na isa pang motorsiklo sa national highway. Dahil sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang isang rider. Bagamat parehong nakasuot ng helmet ay parehong nasawi ang dalawang...
Top 6 MWP ng SPD nasakote sa Cavite
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Parañaque City police ang tinaguriang top 6 most wanted person (MWP) sa Parañaque City Biyernes ng umaga, Setyembre 20. Kinilala ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante ang inarestong suspect na si alyas Junbert, 26, construction worker, top 6 MWP sa district level. Base sa report...
Mga raliyista, anti-riot police nagkainitan sa Martial Law anniversary protest
MANILA, Philippines - Nagkainitan ang grupo ng mga ralyista at mga anti-riot police matapos silang harangin bago makapasok sa Mendiola Bridge sa Maynila sa ika-52 anibersaryo ng Martial Law. Bitbit ang mga shield na pananggalang ng mga anti-riot na pilit itinataboy ang mga ralyista na gustong makalapit sa Mendiola habang nakabarikada. Isang lalaking ralyista rin ang sinasabing pinadapa ngunit hindi pa...
Magtiyuhin patay sa kuryente
MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na lalaki at tiyuhin nito matapos silang makuryente sa Hacienda Carugiat, Barangay 13, Victorias City, Negros Occidental nitong Huwebes, Setyembre 19. Hindi na pinangalanan ng pulisya ang 19-anyos na biktima mula sa Barangay 13, Victorias City, at 60-anyos nitong tiyuhin mula Barangay Pasil, E.B. Magalona, Negros Occidental. Ayon kay Police Capt. Genus David, deputy...












