Danny Tan, may Isa pang biktima?

0

Manila, Philippines- Pagkatapos ni Gerald Santos, here comes Enzo Almario na umano'y biniktima rin noon ng musical arranger/director/composer na si Danny Tan. Inilantad ni Gerald si Enzo sa kanyang YouTube channel. Ito'y makaraang i-post ni Enzo sa kanyang Facebook account na maging siya'y ni-rape din daw ni Tan. Pero ayon kay Gerald, lumakas lang ang loob ni Enzo nang napanood siya nito...

Graft case ni Alice Guo ililipat mula Capas pa-Valenzuela RTC

0

MANILA, Philippines - Ililipat mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac patungong Valenzuela Regional Trial Court ang graft case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Matatandaan na pinag-utos ng Capas Regional Trial Court Branch 109 ang pag-aresto kay Guo dahil sa graft charges na inihain laban sa kanya. Sa kabila nito, iginiit ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, na...

Bebinca humina pero magpapalakas pa rin sa Habagat

0

MANILA, Philippines - Humina ang Tropical Cyclone Bebinca at naging isa na lamang tropical storm ngunit patuloy na palalakasin ang southwest monsoon o Habagat na magdadala ng mga malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, sinabi na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) Biyernes ng hapon o gabi, Setyembre 13, at...

P200M illegal na sigarilyo nasabat sa QC, Caloocan warehouse

0

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P200 milyong halaga ng illegal na sigarilyo sa dalawang magkahiwalay na raid sa Grace Park West, Caloocan City at Balingasa, Quezon City nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 12. Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine National Police ang nasa 1.3 milyong cigarette packs na may...

PCG: Higit 97% ng langis mula sa MTKR Terranova narekober

0

MANILA, Philippines- Nasa 97.43% lamang ang recovery rate ng langis mula sa lumubog na motor tanker na Terranova sa Limay, Bataan dahil 55,512 litro ng oil cargo nito ang nawala, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes. Sinabi ng PCG na ito ay batay sa pinal na inspeksyon sa ground zero na isinagawa noong Huwebes. Sa pagbanggit sa ulat ng...

MIAA sa publiko: Pagsasaayos ng NAIA ‘di overnight

0

MANILA, Philippines- Inabisuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko na asahan na ang uti-unting pagbabago sa mga paliparan simula sa Setyembre 14 kung saan ililipat na ang pamamahala ng operasyon at pagmementina ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang pribadong consortium. Sinabi ng executive assistant ng MIAA na si Chris Bendijo na ang mga operasyon at pasilidad...

Rider na nakipagkarera tepok sa salpok

0

KORONADAL CITY- Nauwi sa madugong trahedya ang drag racing ng apat na rider na ikinasawi ng isa matapos nitong paliparin ang motorsiklo hanggang sa sumalpok sa pick-up truck, kahapon ng hapon sa lungsod na ito. Kinilala ang nasawi na si Jonell Sepillo, 22-anyos at residente ng Barangay Carpenter Hill, Koronadal City. Ayon kay PSMSGT Fely, imbestigador ng Koronadal City Police Traffic...

Barangay tanod itinumba sa harap ng 2 anak

0

COTABATO- Pinagbabaril-patay ang isang barangay tanod sa harap mismo ng kanyang dalawang anak na babaeng menor-de-edad habang sakay ng kanilang payong-payong, kahapon ng hapon sa bayan ng Aleosan. Kinilala ang biktimang si Amilil Sasamin Lumenda, 25-anyos, residente at volunteer BPAT ng Barangay Colambog, Pikit, Cotabato. Batay sa report ng Aleosan Municipal Police Station, bandang alas-2 ng hapon noong Huwebes naganap ang...

Rookie cop,  2 hitmen todas sa engkwentro

0

GENERAL SANTOS CITY- Bilang pagtugon sa sinumpaan tungkulin, nagbuwis ng buhay ang isang bagitong pulis matapos makasagupa ang dalawang napatay na hitman sa isinagawang operasyon noong Miyerkules sa lungsod na ito. Kinilala ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, ang nasawi na si Patrolman Benjamin Donton Difuntorum III, kasapi ng General Santos City Police Office. Namatay din sa...

Kelot na nagkakabit ng internet dedo sa kuryente

0

COTABATO- Patay ang isang lalaking internet installer matapos masagi ang kuryente habang nasa gitna ng pagkakabit ng internet noong Huwebes sa bayan ng Arakan. Kinilala ang biktimang si Junior Bangkas, 30-anyos, kawani ng isang internet provider at residente sa bayan ng President Roxas. Batay sa report ng Arakan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa Barangay Poblacion, ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon...