SEA Games sa Thailand pinaghahandaan na ng POC

0

MANILA, Philippines - Todong paghahanda ang ginagawa ng Philippines Olympic Committee (POC) sa ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa. Isiniwalat ni  POC President Abraham “Bambol” Tolentino na pinagpaplanuhan na nila ang  gaganaping Southeast Asian Games  sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon. Sinabi ni Tolentino na aapela sila sa organizers dahil inalis ang apat na sports...

Impormasyon ng mga miyembro ng GSIS ligtas sa kabila ng security breach

0

MANILA, Philippines - Siniguro ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Biyernes, Setyembre 13 ang lahat ng mga empleyado, miyembro at pensioner nito na ligtas ang kanilang personal na impormasyon kasunod ng kumpirmadong security incident sangkot ang compromised administrator account sa isang test computer. "We assure our employees, members and pensioners that the protection of their information is of utmost...

2025 budget target maipasa ng Kamara sa Setyembre 25

0

MANILA, Philippines - Tiniyak ni House Committee on Appropriations Senior vice chairperson Rep Stella Quimbo na maipapasa sa huli at ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukalang P6.352-trillion 2025 national budget sa Setyembre 25. Ayon kay Quimbo, simula sa Lunes, Setyembre 16 ay sisimulan na ng House Plenary ang pagtalakay sa 2025 budget at kumpiyansa itong sapat ang magiging oras dahil...

Imbestigasyon sa pagkamatay ng 3 inmates sa Davao nais buhayin

0

MANILA, Philippines - Hiniling ng House of Representatives quad-committee sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng3 Chinese national sa Davao Penal and Prison Farm (DPPF) noong 2016. Ang aksyon ng Quad Committee ay kasunod na rin ng akusasyon na may kinalaman sa pagkamatay ng mga Chinese nationals na sina Chu Kin Tung, Jackson Lee at Peter...

Karylle, inisnab ang lookalike ni Marian!

0

Manila, Philippines- Nakisali pa si Karylle sa Kalokalike segment ng It's Showtime nang gayahin ng isang contestant si Boy Abunda. Join si Karylle sa kanyang mga cohosts na sina Kim Chiu, Vhong Navarro at Amy Perez habang nakasalang kunwari sa Fast Talk. Ito 'yung segment na may dalawang bagay na pinagpipilian ang guest. Sadly, hindi totally nakuha ng contestant ang nuances at...

2 ‘sex slaves’ handang tumestigo vs Quiboloy

0

MANILA, Philippines - Handang tumestigo laban sa self-appointed son of God na si Pastor Apollo Quiboloy ang dalawa sa lima umanong biktima ng sex slavery ng lider, sinabi ng Davao City Police nitong Biyernes, Setyembre 13. “Doon sa five, ang dalawa ang decided talaga na mag-testify. Yung tatlo nag-iisip pa,” pahayag ni Davao City Police chief Police Colonel Hansel Marantan...

Panibagong oil price rollback, asahan!

0

MANILA, Philippines - Good news na naman sa mga motorista! Posible na naman ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ayon kay Rodela Romero, Department of Energy Oil Industry Management Bureau assistant director, ang paghina ng global demand ang dahilan ng oil price adjustment. Posible umano ang P0.90 hanggang P1.20 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina, P1.30 hanggang...

Batang nawawala sa Rizal, natagpuang patay sa sako

0

Taytay, Rizal - Wala nang buhay at nakasilid sa sako ang 8 taong gulang na batang babae nang matagpuan sa Block 20, Purok 4, Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal Ayon sa mga residente sa lugar, kahapon pa umano nila nakita ang sako na ito at ang nasa isip nila ay patay na hayop na itinapon lamang ito. Pagsapit ng...

Quiboloy mananatili sa Camp Crame

0

MANILA, Philippines - Ililipat sa Pasig City Jail ang apat na kasamahan ng founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy. Samantala, si Quiboloy naman ay mananatili sa Camp Crame dahil sa "security risk." Ang mga kasabwat ni Quiboloy ay sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemane. Nauna nang naghain ng not guilty plea...

Boy Abunda, emosyunal sa kaso ng mag-ina!

0

Manila, Philippines- Alam ng lahat kung gaano kalaki ang pagmamahal ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang namayapa nang ina kaya naman nang idinulog sa programang CIA with BA sa GMA ang kaso ng mag-ina ay lubos itong nagibg emosyunal. Ang host ng nasabing programa ay sina Sen. Alan at Pia Cayetano kasama si Boy. "At the end...