BI: Aktibong SIM card mitsa ng pagkakadakip kay Alice Guo
MANILA, Philippines- Ibinahagi ng Bureau of Immigration (BI) na ang aktibong mobile phone SIM card na gamit ni Alice Guo ang dahilan kaya’t na-trace ito ng mga Indonesian police sa townhouse na tinutuluyan nito sa Tangereng City na nagresulta sa kanyang pagkaka-aresto. Ayon sa BI Fugitive Search Unit, may tatlo umanong cellphone number na nakuha at may isang active number...
Koleksyon ng BOC ‘gang Agosto lampas ng P5.1B sa target
MANILA, Philippines- Ibinida ng Bureau of Customs (BOC) na lumampas sila ng nasa P5.189 bilyon sa target nitong koleksyon ng kita para sa Enero hanggang Agosto 2024. Batay sa ulat ng BOC, nakakolekta sila ng P614.781 bilyon sa nasabing buwan ng taong kasalukuyan kung saan lumampas ito sa target nitong koleksyon na P609.592 bilyon ng 0.9 porsyento. Nabatid pa sa BOC...
Pagkakaroon ng kalaguyo pananakit sa asawa – SC
MANILA, Philippines- Idineklara ng Korte Suprema na maituturing na sadyang pananakit sa asawa ang pangangaliwa. Sinabi ng Korte Suprema may “criminal intent” na manakit sa asawa ang pangangaliwa, sapat para ituring na paglabag sa batas na Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC). Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, napatunayang guilty ang lalaki sa pagdudulot ng...
BI kumpiyansang malapit nang maaresto si Wesley Guo
MANILA, Philippines- Naniniwala ang Bureau of Immigration (BI) na malapit nang madakip ng mga awtoridad ng Indonesia si Wesley Guo, ang umano'y kapatid ng pinatalsik na alkalde ng Bamban na si Alice Guo. Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval nitong Biyernes, si Wesley ay walang travel records sa labas ng Indonesia at ipinapalagay na nananatili sa loob ng bansa. Noong nakaraang...
Valenzuela gas station ikinandado sa P3.1M unmarked fuel
MANILA, Philippines- Ipinasara ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang isang fuel refilling station sa Valenzuela City matapos itong mapag-alamang nagbebenta ng “unmarked fuel” na nagkakahalaga ng P3.1 milyon. Sa pahayag ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng BOC, isinagawa ang operasyon nitong Setyembre 5 sa isang fuel refilling station sa Ugong, Valenzuela City,...
Wawa Dam project sumasailalim sa ‘detailed engineering’ – PBBM
MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumasailalim na sa "detailed engineering" ang Wawa Dam project upang tiyakin na mapagagaan ang problema sa pagbaha. "The old Wawa Dam, the original one, is already too small for our purposes. Gagamitin pa rin pero maliit lang talaga. It won’t make — it won’t help us that much,'' ayon kay Pangulong...
Hotel na pinaniniwalaang POGO hub sinilbihan ng warrant
MANILA, Philippines- Nagsilbi ang National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI-7) noong Huwebes, Setyembre 5, ng dalawang search warrant sa isang hotel sa Lapu-Lapu City kung saan natuklasan ang hub ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Atty. Renan Oliva, NBI-7 director, layunin ng dalawang search warrant na makakalap ng karagdagang ebidensya mula sa Tourist Garden Hotel sa Barangay Agus. Nakumpiska...
‘Death threat’ kay Alice Guo tinatalupan ng DOJ
MANILA, Philippines- Iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang umano'y death threats na natatanggap ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano nitong Biyernes. “We do not want to push that aside, we have to take that very seriously,” sabi ni Clavano sa media briefing. Inihayag pa ni Clavano na kung talagang may banta sa kanyang...
PCSO: Walang nanalo ng P142.6M jackpot sa UltraLotto 6/58
MANILA, Philippines- Wala pa ring maswerteng mananaya ang nakahula ng kombinasyon ng UltraLotto 6/58 na 53-45-18-41-40-13 na may premyong P142,668,861.60 sa ginanap na draw kagabi. Nasa pitong indibidwal naman ang nakakuha ng limang numerong makapag-uuwi ng tig-P120,000, habang ang 418 indibidwal na nakakuha ng apat na numero ay makatatanggap ng tig-P2,000. Wala ring nanalo sa kasabay na draw kagabi na MegaLotto...
ALAMIN: Mga kalsadang saklaw ng road reblocking sa NCR mula Sept. 6 ‘gang 9
MANILA, Philippines- Inabisuhan ang mga motorista sa road reblocking na isasagawa sa ilang kalsada sa National Capital Region mula Setyembre 6 hanggang 9, 2024. Kasado ang road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways sa sumusunod na mga kalsada sa Quezon City at Caloocan City simula alas-11 ng Biyernes, Setyembre 6 hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes,...












