3 puga balik-selda na – Taytay police
Inanunsyo ng Taytay Police Station noong Miyerkules, Setyembre 4, na muli nitong inaresto ang tatlong preso na nakatakas mula sa custodial facility ng istasyon sa pananalasa ng Tropical Storm Enteng. Nakakulong ngayon ang mga nakatakas na kinilalang sina Danny Boy Cancino, Kurt Cavasal, at Ronald Barrera, na pawang tinaguriang Persons Under Police Custody (PUPC). Sinabi ng mga awtoridad na sina Cancino...
Maoy na senglot na kargado ng sumpak arestado sa P’que
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng Parañaque City police ang isang lasing na armado ng sumpak matapos magwala at maghasik ng takot Miyerkules ng madaling araw, Setyembre 4.Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ay nakilala ang inarestong suspect na si alyas Raymond, 29.Ayon kay Parañaque City police...
Hatol ng korte sa Western Visayas vs terror financing ikinatuwa ng NTF-ELCAC
Manila, Philippines- Ikinatuwa ng pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang makasaysayang hatol ng hukuman sa Western Visayas kung saan isang opisyal ng CPP-NPA-NDF ang napatunayang sangkot sa pangongotong upang mapondohan ang kanilang samahan.Inilarawan ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., executive director ng NTF-ELCAC, na ang hatol ng korte ay isang napakahalagang tagumpay...
Smokers lumipat na sa heated tobacco products
ISANG pag-aaral ng mga mananaliksik sa South Korea ang nagpanukala na ang paglipat sa heated tobacco products ay makapagpapataas sa posibilidad ng ganap na paghinto sa paninigarilyo ng mga smoker o naninigarilyo. Ang HTPs ay smoke-free products na dinisenyo para alisin ang kombustiyon sa 'nicotine delivery.'Sa kabilang dako, sinabi ng US Food and Drug Administration na ang usok ng tabako...
50% down payment bago operasyon sa PH Heart Center pinakakalos ng DOH
MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ang Philippine Heart Center (PHC) na alisin ang 50 porsiyentong down payment requirement nito bago mag-opera sa mga pasyenteng may cardiovascular complications.Ang bawat open heart surgery ay karaniwang umaabot mula P600,000 hanggang P900,000, na nangangahulugan na ang isang pasyente — kabilang ang mga indigents — ay kinakailangang balikatin...
Badyet ni Sara sa school bag, libro, ibasura; regular budget ikasa – Koko
Hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang Kongreso kundi ibasura ang lahat ng hinihinging badyet ni Vice President Sara Duterte sa pamamahagi ng school bags, libro atbp bagkus ibigay ang regular na pondo sa tanggapan, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi dapat kumilos ng tigasin ang Kongreso at sa halip gampanan ang...
Japan gumagawa ng gulo sa rehiyon – Tsina
TUWIRANG sinabi ng Tsina na gumagawa ng gulo ang Japan sa South China Sea dahil sa pagdepensa nito sa laban ng Pilipinas sa soberanya sa West Philippine Sea (WPS).Muli na namang binatikos ng Chinese Embassy sa Maynila ang Japanese counterpart nito, sa pagkakataong ito ay ang kuwestiyunin ang pahayag ng Tokyo ukol sa international law.Tinukoy ng Embahada ang sinasabi...
PSA chief, BSP bidding committee pinagbibitiw ng solon sa palpak na nat’l ID
Manila, Philippines - Dahil sa palpak na pag-iisyu ng PhilSys National ID ay ipinanawagan na ng ilang mambabatas ang pagbibitiw sa pwesto ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority at ang bidding committee ng Bangko Central ng Pilipinas (BSP).Mariing sinabi ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na isang malaking kabiguan sa panig ng PSA at BSP ang palpak na pag-iisyu...
‘Kakaselpon’ ‘di konektado sa kanser sa utak – WHO
MANILA, Philippines - Walang kaugnayan ang paggamit ng mobile phone at pagtaas ng panganib sa kanser sa utak, ayon sa isang bagong pagsusuri na kinomisyon ng World Health Organization. Sa kabila ng malaking pagtaas sa paggamit ng wireless technology, walang katumbas na pagtaas sa mga insidente ng mga kanser sa utak, ayon sa pagsusuri, na inilathala noong Martes. Nalalapat iyon...
Pagkakaaresto kay Guo ikinatuwa ng kanyang mga abogado
MANILA, Philippines - Ikinatuwa pa ng mga abogado ni Alice Guo ang pag-aresto sa dating alkalde ng Bamban, Tarlac, dahil mabibigyan umano sila ngayon ng pagkakataong tugunan ang mga legal na isyu na ibinabato sa kanya. Umalis si Guo sa Pilipinas halos dalawang buwan na ang nakararaan, na nag-iwan ng ilang katanungan tungkol sa kanyang koneksyon sa mga ilegal na...












