12,246 susubok sa 2024 Bar exam
MANILA, Philippines - Umabot sa 12,246 ang nagparehistro para kumuha ng 2024 Bar Examinations. Batay sa advisory ng Supreme Court (SC) nitong Abril 5 ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Bar Examination at hindi na magtatakda pa ng extension ang SC. Ipinaalala ng SC na ang mga application na may kumpletong dokumento at nakabayad na ang tanging ipoproseso. “Rest...
Magsasaka ng sibuyas mino-monitor ng Kamara vs sugapang traders
MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Kamara de Representantes ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas upang matiyak ang sapat na suplay at mapanatili ang katatagan ng presyo. Nakikipag-ugnayan ang House Committee on Agriculture sa iba pang ahensya ng gobyerno para maghanap ng mga hakbang para labanan ang hoarding at manipulasyon ng presyo ng sibuyas. “Amin pong tinitignan ngayon ang...
80K sapul ng baha sa Davao inayudahan ng P863M cash assistance
MANILA, Philippines - Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng hindi bababa sa P863 milyon na halaga ng cash assistance sa mahigit 80,000 indibidwal na apektado ng malakas na pag-ulan na dulot ng shear line sa Davao Region noong Enero. May kabuuang 86,724 na benepisyaryo sa Davao Oriental at Davao del Norte ang nakatanggap ng tulong pinansyal...
LTFRB muling nagpaalala sa April 30 PUV consolidation deadline
MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes sa mga public utility jeepney (PUJ) operators na samantalahin ang extension para sa konsolidasyon na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magtatapos sa Abril 30. Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na kapag natapos na ang extension, hindi na papayagang mag-operate ang mga...
‘Payaw’ ‘di nakasisira ng corals, kapaligaran – BFAR
MANILA, Philippines - Itinanggi ng gobyerno ng Pilipinas ang alegasyon ng publikasyon ng Chinese Communist Party na ang mga fish aggregating device, na lokal na kilala bilang mga payaw, ay nakakasira sa kapaligiran. Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ito ay hindi totoo dahil ang mga payaw ay floaters lamang na puno ng mga palm fronds na...
3 Daulah members sumuko sa N. Cotabato
ILIGAN CITY – Sumuko ang tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group sa Carmen, North Cotabato noong Abril 5. Sinabi ni Armed Forces Western Mindanao Command chief Lt. Gen. William Gonzales na sumuko sila sa magkasanib na elemento ng 90th Infantry Battalion, Carmen Municipal Police Station, at mga intelligence unit. Iniugnay ni Gonzales ang kanilang pagsuko sa pagtutulungan ng mga pulis at...
Ex-SK pinagbabaril-patay sa mismong kaarawan
CAMP PRESIDENT QUIRINO, Bantay, Ilocos Sur – Patay sa pamamaril sa mismong araw pa ng kanyang kaarawan ang isang dating Sangguniang Kabataan chairman mula sa Caoayan, Ilocos Sura nitong Lunes, Abril 8. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marion Tugade, 27, anak ni dating Mayor Mario Tugade ng Caoayan at residente ng Barangay Don Alejandro Quirolgico, Caoayan. Lumalabas sa inisyal...
5 kapwa akusado ni Quiboloy naglagak ng piyansa
DAVAO CITY - Naglagak ng piyansa ang limang kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo C. Quiboloy sa kasong child abuse, exploitation at diskriminasyon na inihain sa Davao City regional trial court (RTC). Kinilala sila ng National Bureau of Investigation (NBI) na sina Cresente Canada, Paulene, Canada, Sylvia Cemanes, Jackielyn W. Roy, at Ingrid C. Canada na...
Block screening ng biopic ni Imelda Papin, dinumog!
Manila, Philippines - Asia's Sentimental Songstress Imelda Papin was in Cloud 9 dahil punung-puno ang apat na sinehan sa MOA para sa block screening ng Imelda Papin, The Untold Story last weekend. Dalawang screening ang naganap at ang lahat nang yun ay napuno ng moviegoers. "Maganda ang feedback ng mga nakapanood dahil maraming iyakan and tawanan, and inspirational talaga ang movie...
5 Abu Sayyaf sumuko sa Basilan
ILIGAN CITY – Sumuko ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa 64th Infantry Battalion sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan noong Abril 4. Sinabi ni Lt. Col. Abel Potutan, 64th Infantry Battalion commander, na ibinigay ng mga sumuko ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang M79 grenade launcher, at dalawang Garand rifles kay Brig. Gen. Alvin V. Luzon,...












