2 Pinoy pinayagang makalabas ng Gaza – DFA

0

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Israel ang dalawang doktor na Filipino na makaalis ng Gaza, inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega nitong Miyerkules, Nobyembre 1. Ani De Vega, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Israel upang isaprayoridad ang mga Filipino na makatawid sa border ng Egypt. “Israel first allows the persons to exit Gaza and proceed...

Vilma at Boyet, may lovescene!

0

Manila, Philippines - Isa ang When I Met You na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa sampung pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2023. Happy siyempre ang tinaguriang Star For All Seasons na napili ang kanilang pelikula sa taunang film festival. Sabi ni Vilma, "Thank you, MMFF, for the trust. Team work ang movie na...

2 trak ng basura nahakot sa Manila North Cemetery

0

MANILA, Philippines - Maagap na naglinis ang Department of Public Services o DPS sa loob at labas ng Manila North Cemetery (MNC). Ito ay makaraang makapaghakot ng dalawang truckload na ng basura na iniwan ng mga dumalaw nitong Miyerkules, araw ng Undas, Nobyembre 1. Bagamat paulit-ulit na nagpapaalala ang pamahalaang lokal ng Maynila, kapulisan at environmental group para sa malinis na...

Patay sa banggaan sa Laguna, umakyat na sa 4!

0

MANILA, Philippines - APAT katao ang idineklarang patay at anim ang sugatan sa naganap na aksidente, matapos na magbanggaan ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng tricycle at Ford Ranger Raftor madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 1 sa kahabaan ng National Highway, Purok 2, Barangay Bucal, Calamba City, Laguna. Kinilala ang mga nasawi na sina Gilbert Palupit 35, driver, Aileen Palupit...

Japanese PM Kishida bibisita sa Pilipinas, dadalo sa joint session ng Kongreso

0

MANILA, Philippines - KUMPIYANSA ang mga mambabatas na magbubukas ng bagong oportunidad sa Pilipinas ang dalawang araw na pagbisita sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida. Si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay nakatakdang magtalumpati sa joint session ng Kongreso sa Nobyembre 4, 2023, Sabado at inaasahang ang kaniyang pagdalaw ay magbibigay-daan sa lalo pang pagtutulungan ng dalawang bansa. Sinabi...

Sunog sumiklab sa tren ng PNR

0

MANILA, Philippines - Sumiklab ang sunog sa isang tren ng Philippine National Railways nitong hapon ng Miyerkules, Nobyembre 1. Ayon sa report, ang sunog ay naganap nang dumating ang tren sa 10th Avenue Station sa Barangay 9, Caloocan City. Umabot sa unang alarma ang sunog ngunit idineklara ring fire out makalipas ang 12 minuto, sinabi ng Bureau of Fire Protection National...

Mga bumisita sa Manila South Cemetery, halos kalahating milyon

0

MANILA, Philippines - Umabot ng halos kalahating milyon na ang mga indibidwal na bumisita sa Manila South Cemetery. Sa ulat ng Manila Public Information Office, nitong Miyerkules, Nobyembre 1 lamang ay naitala ang 450,000 katao na nagtungo sa nasabing sementeryo. Bukod pa ito sa nasa 6,850 katao na nauna nang dumalaw sa Manila South Cemetery noong Oktubre 29, 10,745 noong Oktubre...

1.02 milyon dumagsa sa Manila North Cemetery!

0

MANILA, Philippines - Marami pa rin ang hindi umabot sa cut-off ng visiting hours sa pinakamalaking sementeryo sa bansa nitong Miyerkules, Nobyembre 1, araw ng Undas. Ito ay makaraang isara eksakto alas-6 ng gabi ang pagpapapasok ng mga dumadalaw sa Manila North Cemetery. Dismayado naman ang ilan sa mga nasarhan dahil hindi aniya nila alam na hanggang alas-6 lamang ang pagpapapasok...

LPA namataan sa coastal waters ng Isabela

0

MANILA, Philippines - Namataan ang isang low-pressure area sa coastal waters ng Dinapigue, Isabela. Kasabay nito, patuloy din na makakaapekto sa eastern section ng North at Central Luzon ang shear line. Northeast monsoon o amihan naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng North at Central Luzon. Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang...

Bea at Dom, bet mag-honeymoon sa Maldives!

0

Manila, Philippines - Sa latest entry sa kanyang vlog, sumalang sa A to Z challenge ang Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ani Bea, answered prayer daw para sa kanya ang makatagpo ang lalakeng pakakasalan siya tulad ni Dominic Roque. Dahil galing sa broken family at na-ghost sa kanyang previous relationship, dati raw ay hindi siya naniniwala sa kasal until her...