Pinas aasistihan ng Japan sa pagkamit ng ‘self-reliant’ defense industry
MANILA, Philippines- Nilalayon ng Pilipinas na makipagtulungan sa Japan upang bumuo ng sarili nitong defense industry at mag-develop ng local expertise at mabawasan ang pagiging “dependent” sa foreign arms suppliers. Nagpulong sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa sa Camp Aguinaldo nitong nakaraang linggo at tinalakay ang posibilidad ng kolaborasyon upang makamit ang “self-reliant defense posture”...
Presyo ng produktong petrolyo, tatapyasan sa Martes
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng local oil companies nitong Lunes na tatapyasan nito ang presyo ng produktong petrolyo ng hanggang P0.85 kada litro, epektibo sa Martes. Sa hiwalay na abiso, sinabi ng mga kompanya na babawasan ang presyo ng gasolina at diesel ng P0.70 kada litro. Samantala, tatapyasan ang presyo ng kerosene ng P0.85 kada litro. Ipatutupad ng Shell at Seaoil ang...
2 mangingisdang stranded sa WPS, nasagip
SAN ESTEBAN, Ilocos Sur- Nasagip ang dalawang mangingisda na naanod sa West Philippine Sea nitong Linggo ng umaga. Kinilala sila ni Councilor Marvin Ong na sina Armando Mostoles, 66, at kanyang apo na si Melvin Allagao, 16, residente ng Barangay Apatot, sa bayang ito. Nangisda ang dalawa sa West Philippine Sea nitong Huwebes, subalit hindi nakauwi sa nasabing araw matapos magkaroon...
Emma Cordero, idinetalye ang award ni Ate Guy sa Japan!
Manila, Philippines - Very excited na ang World Class Excellence Japan (WCEJA) president at ang OPM recording artist na si Emma Cordero sa pagpunta ng National Artist na si Nora Aunor sa Fukuoka, Japan. Si Emcor kasi ang host ni Ate Guy sa Japan lalo't tatanggap ng recognition ang Superstar sa WCEJA 2023 na gaganapin sa New Otani hotel sa...
Imprastraktura mas makahihikayat ng turista kaysa slogan – Gordon
CEBU CITY – Mas makaaakit ng mga turista ang maayos na imprastraktura, hindi slogan. Ito ang iginiit ni dating Tourism Secretary Richard Gordon nang kunan ng komento sa tbagong “Love the Philippines” tourism slogan ng bansa. “Slogan is nothing,” pahayag ni Gordon, na nasa Cebu upang dumalo sa isang event sa Philippine Red Cross nitong Sabado. “What is important is we have...
Higpit-seguridad ikinasa sa UP Diliman sa campus sexual assault incident
MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan ang University of the Philippines Diliman (UPD) sa university police hinggil sa sexual assault incident na naganap nitong Sabado sa mismong campus sa Diliman, Quezon City. Ang UPD administration ay nakikipag-ugnayan “with the police authorities for the immediate apprehension of the suspect and closely coordinating with the survivor to provide necessary assistance," ayon sa pahayag nitong Linggo. Anito,...
Bagong City Hall ‘campus’ itatayo sa Pasig
MANILA, Philippines- Itatayo ng Pasig City ang bagong City Hall “campus” na papalit sa mga kasalukuyang gusali na ayon sa assessors ay “structurally inadequate” na, sabi ni Mayor Vico Sotto nitong Linggo sa “Gabi ng Pasasalamat” event sa pagdiriwang ng 450th founding anniversary ng Pasig. Inihayag ni Sotto na ito ang magiging pinakamalaking proyekto sa kasaysayan ng Pasig City, na...
DFA: Alert status sa Myanmar, Level 2 na lang
MANILA, Philippines- Ibinaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level status sa Myanmar mula Alert Level 4 sa Alert Level 2, ayon sa ulat nitong Lunes. Dahil dito, sinabi ng DFA na makababalik na ang overseas Filipino workers (OFWs) na may working visas sa Myanmar. Subalit, nilinaw ng DFA na wala pa ring deployment ng bagong OFWs sa...
Domestic flights ng local carriers, nailipat na sa NAIA Terminal 2
MANILA, Philippines- Matagumpay na nailipat ang domestic flights ng local carriers sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong weekend, alinsunod sa Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) Program ng pamahalaan. Sa abiso nitong Linggo, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na lahat ng domestic flights ng AirAsia Philippines ay nailipat na sa Terminal 2 hanggang nitong...
PNP: Pamamaril sa Remate photog, ‘di konektabo sa trabaho
MANILA, Philippines- Inalis ng Quezon City Police District (QCPD) ang propesyon ni Joshua Abiad bilang photojournalist bilang rason sa pamamaril sa kanya nitong nakaraang linggo, kung saan nagtamo siya ng sugat maging ang kanyang mga kapamilya, at dahilan ng pagkamatay ng kanyang pamangkin. Base kay QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, hindi konektado ang pananambang kailan sa trabaho...




