20 motorsiklong donasyon mula sa Chiang Kai Shek College, tinanggap ni Yorme Isko para sa MPD
MANILA, Philippines - Malugod na tinanggap ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno" Domagoso ang donasyon na 20 motorsiklo mula sa Chiang Kai Shek College para sa Manila Police District (MPD) nitong Lunes ng umaga, Mayo 4, 2026. Isinagawa ang turnover ceremony kasabay ng lingguhang flag-raising sa Manila City Hall, kung saan personal na tinanggap ni MPD District Director PBGen....
Sen. Bato, pinagkokomento sa “no work, no pay” rule sa Senado
MANILA, Philippines - Hiniling ni Senate ethics committee chairperson JV Ejercito nitong Lunes kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magbigay ng komento sa panukalang amyendahan ang Senate rules para ipatupad ang “no work, no pay” policy sa mga senador na madalas lumiban. Ayon kay Ejercito, tinalakay ito ng Senate Committee on Ethics and Privileges sa kanilang pagpupulong kaugnay ng...
Higit P4M reward ipinamahagi ng PNP sa 21 tipster na tumulong sa pag-aresto ng mga suspek
MANILA, Philippines - Namahagi ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit P4 milyon na cash incentives sa 21 sibilyang impormante na ang mga tip ay nagresulta sa pag-aresto ng mga high-value suspects na sangkot sa malalalang krimen. Ayon sa PNP, ang pinakamalaking reward na P1 milyon ay ibinigay sa isang tipster na tumulong sa pag-aresto ng suspek na may 54...
Paglalathala ng AMLC records, ibinabala ng kampo ni Atty. Carpio
MANILA, Philippines - Nagbabala nitong Lunes ang kampo ni Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa media hinggil sa posibleng paglalathala ng ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kinalaman umano sa kanyang bank records. Ayon kay Atty. Peter Paul Danao, legal counsel ni Carpio, bawal umano sa ilalim ng Republic Act No. 9160...
Sundalo inatake sa puso habang nagmamaneho
ILOCOS SUR, Philippines - Patay ang isang 52-anyos na sundalo matapos makaramdam ng biglaang paghinto ng pagtibok ng kanyang puso (cardiac arrest) habang nagmamaneho ng motorsiklo sa barangay road ng Brgy. Pantay, Fatima, Vigan City ng lalawigang ito nitong umaga ng Linggo, Mayo 3. Ayon sa Vigan CPS, ang biktima ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nakadestino...
5,500 flood control projects, “ghost projects” – Singson
MANILA, Philippines - Ikinuwento ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson nitong Lunes na ang 5,500 flood control projects na nauna nang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay umano’y “ghost projects” o hindi totoong proyekto. Sa isang media briefing sa Quezon City, sinabi ni Singson na inikot niya ang iba’t ibang bahagi ng bansa at nakausap ang mga lokal...
P164K ismagel yosi, nasabat sa Cebu
CEBU, Philippines - Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang ₱164,000 na halaga ng mga sigarilyong pinaghihinalaang ipinuslit sa isang inspeksyon sa national highway sa Barangay Sangi, Toledo City, Cebu noong Mayo 1 ng hapon. Isinagawa ang operasyon bandang 3:30 p.m. ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) katuwang ang Toledo City Police Station. Nakumpiska ang iba’t ibang...
Sotto: VP Sara ‘di sapilitang pahaharapin sa impeachment trial
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Lunes na hindi maaaring pilitin si Vice President Sara Duterte na humarap sa impeachment trial sa Senado kung matuloy ang kaso mula sa Kamara, ngunit mas mabuti umano kung siya ay dadalo. Ayon kay Sotto, bagama’t hindi nakasaad sa impeachment rules na obligado ang akusado na dumalo, mas...
Trump sa Iran: “Very positive talks”
WASHINGTON, USA - Sinabi ni US President Donald Trump nitong Linggo na may “very positive discussions” sa pagitan ng Estados Unidos at Iran para sa posibleng solusyon sa patuloy na digmaan, ngunit idinagdag din niya na magsisimula na ang US forces sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz. Ayon kay Trump sa kanyang Truth Social post, “I am...
5 pulis sugatan sa pananambang habang nagsisilbi ng warrant sa Lanao del Sur
LANAO DEL SUR, Philippines - Sugatan ang hindi bababa sa limang pulis matapos umanong pagbabarilin habang nagsisilbi ng warrant of arrest sa isang akusado ng murder sa Buadipuso Buntong, Lanao del Sur nitong Lunes. Ayon kay Capt. Steffi Salanguit ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), pinamunuan nina Capt. Nur Basher Cayda, hepe ng Buadipuso Buntong police, at Lt. Mubarrak...












