Home NATIONWIDE Pinas, US target magtulungan sa pagpapalakas ng nursing industry

Pinas, US target magtulungan sa pagpapalakas ng nursing industry

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng Pilipinas at Estados Unidos ang posibiidad na pagtatakda ng isang kasunduan na naglalayong palakasin ang nursing industry ng dalawang bansa.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis na naapektuhan ng  COVID-19 pandemic ang Pilipinas at Estados Unidos.

Wala namang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang palakasin ang nursing industry sa Pilipinas lalo pa’t nahaharap ito sa kakapusan ng mga nurse dahil may ilang mas pinili na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.

Subalit nilinaw ng Pangulo na pag-aaralan munang mabuti ng gobyerno ng Pilipinas ang panukalang ito bago pa magdesisyon.

“We do have a problem with our nurses leaving and going abroad and finding good jobs abroad. And we certainly encourage that; we’re not about to hold them back,” ang sinabi ni Pangulong Marcos  kay US Senator Tammy Duckworth,  na nag-courtesy call sa kanya sa Malakanyang, araw ng Martes.

“But we need to find these new schemes so that the brain drain is not quite severe as it is now.  We have a shortage, I think, at every level in our healthcare system and much of the reason behind that is the talent leaving the Philippines to find better positions. But certainly, we should examine that,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, sinabi ni Duckworth na masusing pinag-aaralan ng gobyerno ng Amerika ang posibilidad na pagpapadala ng  American nursing students para mag-aral sa Pilipinas.

Binigyang-diin nito na kayang maipasa ng Filipino nurses ang licensure examinations para sa nursing sa Estados Unidos.

Sinabi pa nito na mas marami silang nursing students kumpara sa nursing educators.

“You know, it would be really interesting to see if we could send American students to nursing schools in the Philippines because, obviously, you’re teaching to a standard that they can meet licensure in the US. But we don’t have enough nursing programs in the United States,” ayon kay Duckworth.

“So, we don’t have enough nursing educators in the United States because we just don’t have enough of them, and we have students who want to enter nursing schools but there are not enough space for them,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, habang wala pang konkretong plano para sa panukala, kapwa naniniwala sina Pangulong Marcos at Duckworth na magkakaroon ng “good advantage” ang panukala sa dalawang bansa dahil mapalalakas din ng mga ito ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

“Let’s look into it. I don’t see why (not).  I’m sure if we figure out the details, that probably…sounds like a good idea,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, maliban sa pagpapalakas sa nursing industry  ng dalawang bansa ay pwede ring magsanib-puwersa para sa produksyon ng electronic vehicle batteries para katagpuin ang malaking demand ng American market. Kris Jose