Home NATIONWIDE Marine research ng PH contingent sa Sandy Cay tapos na

Marine research ng PH contingent sa Sandy Cay tapos na

MANILA, Philippines- Nakumpleto ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng mga marine scientist ng gobyerno ang kanilang marine scientific research sa Sandy Cay ng Pag-asa Island, sinabi ni CG Commodore Jay Tarriela.

Namataan ng PCG ang isang barko ng Chinese Navy na nagmamanman sa marine research vessel ng Pilipinas nitong Huwebes, kung saan inakusahan ni Chinese Coast Guard Spokesperson Gan Yu ang Pilipinas ng ilegal na pag-okupa sa Sandy Cay.

Nagsagawa ng pananaliksik ang PCG sa Sandy Cay 1, 2, 3, at 4 kasama ang UP Institute of Biology, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at Department of Agriculture-National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI).

Samantala, sinabi ni Tarriela na ang marine scientific research ng Philippine contingent sa Pag-asa island ay “above board” dahil ito ay nagawa sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Inihayag naman ni Dr. Jonathan Anticamara, ang koponan ay unang nakakita ng malalaking bunton ng mga durog na bato (coral) na bukod pa sa mga natagpuan sa tubig ng lugar.

Kung nagkaroon ng pagkasira ng yamang-dagat, kakailanganin nila ng mas maraming oras upang suriin ito.

Sinabi ng mga eksperto na ito ay isang karaniwang pamamaraan ng mga Chinese na sinasabing nauuna sa mga aktibidad sa reclamation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article17 vessels na sangkot sa Zambales dredging pinigil ng PCG
Next articleMga sundalo pinagsasanay sa Arnis