Presyo ng gamot, bantay-sarado ng DOH sa gitna ng fuel crisis

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na mino-monitor nila ang presyo ng mga gamot sa gitna ng krisis sa fuel na dulot ng tensyon sa Middle East, ngunit tiniyak na walang kakulangan sa suplay. “Sinusubaybayan natin ang presyo ng… lahat naman ng produkto ay maapektuhan dahil kagaya ng mga ibang produkto—gamot, damit, pagkain—lahat ‘yan ay...

Barko sumadsad sa OccMin; 162 pasahero, ligtas

0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines - Isang passenger vessel ang sumadsad sa baybayin ng Lubang, Occidental Mindoro noong umaga ng Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Ligtas na na-rescue ang lahat ng 162 pasahero at 8 crew members ng MV Our Lady of Fatima 03. Batay sa paunang ulat ng PCG, sumadsad ang barko bandang 7:45 a.m. humigit-kumulang...

PH-China joint oil exploration sa WPS, suportado ni Lacson

0

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta si Senate Pro Tempore Panfilo Lacson sa posibleng joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, habang binigyang-diin ang potensyal na benepisyo nito sa bansa. “Yes. Four-square behind, sinusuportahan ko. Kasi sayang eh. Yayaman tayo doon,” ani Lacson sa panayam sa Super Radyo dzBB. Gayunman, iginiit niya na dapat mahigpit...

Closed van, bumangga sa EDSA Busway Barriers

0

MANILA, Philippines - Isang closed van ang bumangga sa mga konkretong barrier ng EDSA Busway malapit sa MRT North Avenue Station nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat, hindi napansin ng driver ang mga barrier sa northbound lane ng EDSA kaya’t tuloy-tuloy itong sumalpok sa mga ito. Dahil sa lakas ng impact, tumagilid ang closed van at napunta sa gilid ng...

Sandamakmak na basura naitala ngayong Semana Santa

0

MANILA, Philippines - Pinuna ng EcoWaste Coalition ang sandamakmak na basura sa ilang simbahan at pangunahing pilgrimage sites sa panahon ng Semana Santa. Bagama’t karamihan sa mga simbahan ay maayos at malinis, sinabi ng grupo na may mga insidente ng pagtatapon ng basura sa ilang malalaking aktibidad gaya ng Alay Lakad papuntang International Shrine of Our Lady of Peace and...

Semana Santa, generally peaceful – PNP

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nanatiling generally peaceful ang paggunita ng Semana Santa sa buong bansa, at walang naitalang malalaking insidente. Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., prayoridad ng pulisya ang ligtas na biyahe ng milyun-milyong Pilipino. “Safe travel of millions of our kababayan remains our top priority. We remain on full...

2 insidente ng nakawan sa mga Simbahan sa Bulacan, iniimbestigahan ng Pulisya

0

BULACAN, Philippines - Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagnanakaw ng mga sagradong relic mula sa dalawang simbahan sa San Miguel, Bulacan, kabilang ang silver shield, wings, spear, at sword ng imahe ni St. Michael Archangel. Naganap ang mga nakawan noong Miyerkules Santo sa Birheng Mapanglunas at noong Marso 27 sa San Miguel Arkanghel Parish. Pinaniniwalaang magkaugnay ang mga insidente at...

Pasaherong Pinoy timbog sa P21.2M tobats sa NAIA

0

MANILA, Philippines - Arestado ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Airport-Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang senior citizen na pasahero matapos mahulihan ng mahigit P21 milyong halaga ng shabu Biyernes Santo ng hapon, Abril 3. Kinilala ng NAIA-IADITG ang nadakip na suspek na si alyas Albelito, 62, security officer, at residente ng Barangay 44, Quarry District,...

Extreme moves na panangga ng Pinoy vs MidEast crisis, hirit ni Lacson kay BBM

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Linggo ng mas matindi — at kahit “extreme” — na hakbang ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Binigyang-diin ni Lacson na dapat ding isapubliko ng pamahalaan ang mga hakbang nito laban sa mga nagsasamantala, at sinabing...

Kanlaon, 3 beses nagbuga ng abo nitong Linggo

0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines - Tatlong beses nagbuga ng ash plumes ang Bulkang Kanlaon noong Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa Phivolcs. Sa isang social media post, sinabi ng ahensya na ang bulkan sa Negros Island ay nagbuga ng abo sa tatlong pagkakataon na nagsimula alas-1:10 ng hapon, 3:10 ng hapon, at 5:09 ng hapon, batay sa obserbasyon ng Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon...