Bagong lider ng Iran, ‘clone’ ni Ali Khamenei – Israel envoy

0

MANILA, Philippines — Inilarawan ng Israeli Ambassador sa Pilipinas na si Dana Kursh ang bagong Supreme Leader ng Iran na si Mojtaba Khamenei bilang “clone” ng kanyang amang si Ayatollah Ali Khamenei na nasawi sa US-Israel airstrikes noong Pebrero 28. Sa eksklusibong panayam sa GMA News, sinabi ni Kursh na mahigpit na mino-monitor ng Israel ang bagong lider ng Iran...

Matadero nahaharap sa reklamo sa pagpalo ng baseball bat sa 2 aso

0

MANILA, Philippines - Mahaharap sa reklamo ang isang matadero sa Maynila matapos niyang hampasin ng baseball bat ang dalawang aso ng kanyang kapitbahay. Ayon sa ulat, nakunan sa CCTV ang nangyaring insidente sa isang eskinita sa Tondo, Maynila. Makikita sa video ang isang aso na tumakbo papasok ng bahay matapos itong masaktan. Habang ang isa pang aso ay inulat na namatay agad...

Pagpapatrolya sa WPS magpapatuloy sa kabila ng mataas na presyo ng langis – PCG

0

MANILA, Philippines - Nakaaapekto na rin sa operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtaas ng presyo ng langis. Sa kabila nito, sinabi ng PCG na patuloy nilang uunahin ang pagpapatuloy ng operasyon sa West Philippine Sea. Aminado si PCG for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Rear Admiral Jay Tarriela na kahit may mga hakbang para mas makatipid sa fuel...

Assets ng US mananatili sa Pilipinas, walang ililipat sa Middle East

0

MANILA, Philippines - Walang indikasyon na aalisin ng Estados Unidos ang mga military asset nito sa Pilipinas, ayon sa isang senior military official nitong Biyernes, Marso 13. "There are no indications of the US pulling out military assets from the Philippines. The situation in South Korea involves specific air defense systems being redeployed to the Middle East, which is a...

Pag-import ng langis mula Russia ikinokonsidera ng Pilipinas

0

MANILA, Philippines - Ikinokonsidera ng Pilipinas ang pag-aangkat ng langis mula Russia kasunod ng pansamantalang pag-aalis ng oil sanction sa Russian crude oil na bumibiyahe sa karagatan, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro nitong Biyernes, Marso 13. Ito ang sagot ni Lazaro sa virtual press matapos mag-convene ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) foreign ministers, sa tanong...

Ombudsman: 8 solon pinakakasuhan ng ICI sa maanomalyang flood control projects

0

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang paghahain ng reklamong criminal laban sa walong miyembro ng Kamara na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Marso 14. Ito ang inanunsyo ni Remulla sa ikalawang araw ng pag-turnover ng ICI ng mga dokumento sa imbestigasyon sa flood control projects...

Partial flood control report posibleng ma-archive kung ‘di makakuha ng siyam na pirma – Lacson

0

MANILA, Philippines — Posibleng mailagay sa archive ang partial report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects kung hindi ito makakakuha ng kinakailangang siyam na pirma bago matapos ang kasalukuyang sesyon ng Kongreso, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson. Sinabi ni Lacson, na siya ring chairman ng komite, na apat pa lamang...

Higit 400 Filipino sa Middle East makakauwi na

0

MANILA, Philippines - Nasa 480 Filipino sa Middle East ang nakatakdang ma-repatriate kasabay ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran, at Estados Unidos at Israel, ayon sa Philippine Consulate in Dubai nitong Biyernes, Marso 13. Ayon kay Consul General Ambrosio Brian Enciso III, ang mga repatriates ay binubuo ng 36 turista at 270 migrant workers na aalis sa Dubai sakay...

6 US service members patay sa plane crash sa Iraq

0

IRAQ - Patay ang anim na crew na sakay ng US military KC-135 refueling aircraft matapos bumagsak sa western Iraq. Ang mga nasawi ay dagdag sa naunang pitong US service members na nasawi rin bilang bahagi ng operasyon ng US laban sa Iran na nagsimula noong Pebrero 28. "The circumstances of the incident are under investigation. However, the loss of the...

Hirit ni Bato sa paggamit ng Senate Mansion para sa pamilya, ‘di pinagbigyan

0

MANILA, Philippines - Humiling si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng permiso na gamitin ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City. Ito ang kinumpirma ni Sotto nitong Biyernes, Marso 13 na nakatanggap umano siya ng liham mula kay Dela Rosa na apat na buwan nang hindi na pumapasok sa trabaho. Inilarawan ni...