Lolo timbog sa panggagahasa sa 2 apong menor
PANGASINAN - Timbog ang 55-anyos na lalaki matapos ang ilang taong pagtatago dahil sa paulit-ulit na panggagahasa umano sa dalawang menor de edad niyang apo sa Marikina. Base sa pulisya, sumasalisi ang suspek kapag maiiwan sa bahay ang dalawang biktima na edad 14 at 11 noong mga panahon na iyon, habang nagtatrabaho ang kanilang mga magulang Dagdag pa ni Police Marikina...
P81M multa ipinataw sa suppliers, contractors sa naantalang delivery ng mga ani
MANILA, Philippines - Nagpataw ang Department of Agriculture (DA) ng humigit-kumulang P81 milyong multa noong 2025 laban sa mga supplier at contractor dahil sa pagkaantala ng delivery ng farm inputs at mabagal na implementasyon ng mga proyektong pinondohan ng pamahalaan. Nakolekta ang mga parusa mula sa mga regional field offices ng ahensya kasunod ng direktiba ni Agriculture Secretary Francisco Tiu...
P10-B Presidential aid fund target ng DA pang-ayuda sa magsasaka sa gitna ng sirit-presyo sa langis
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang paggamit ng P10-bilyong pondo ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makayanan ang tumataas na presyo ng langis. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaayos na ng ahensya ang paglalabas ng naturang tulong habang pinag-aaralan kung paano ito ipamamahagi. “We...
$200 kada bariles ng langis, ibinabala ng Iran
IRAN - Nagbabala ang Iran na maaaring umabot sa $200 kada bariles ang presyo ng langis sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East at patuloy na pag-atake sa Strait of Hormuz, isang mahalagang rutang dinaraanan ng suplay ng langis sa mundo. Ayon kay Ebrahim Zolfaqari, tagapagsalita ng military command ng Iran, dapat maging handa ang mundo sa posibleng pagtaas...
Kahit WFH tuwing Biyernes sa DOF, serbisyo-publiko tuloy
MANILA, Philippines - IPINAHAYAG ng pamunuan ng Department of Finance (DOF) na magpapatupad sila ng work-from-home (WFH) tuwing Biyernes gayundin ang mga attached agency nito bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para makatipid sa kuryente at gasolina habang tuloy ang serbisyo sa publiko. Ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na bawasan ng 10% hanggang...
National Autism Care, Support, and Inclusions Act isinusulong sa Senado
MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Senador Mark Villar ang kanyang buong suporta sa pagpasa ng Senate Bill No. 1822, o ang National Autism Care, Support, and Inclusions Act, sa ikatlong pagbasa sa Senado. Ayon kay Villar, layunin ng panukala na magbigay ng mas malawak na suporta sa tinatayang 1.2 milyong Pilipino na nasa autism spectrum. Batay sa datos, isa sa...
Taas-pasahe sa PUVs, kumpirmado na
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez nitong Miyerkules na magkakaroon ng taas-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) habang pinag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang eksaktong halaga nito na inaasahang matatapos ngayong linggo. Sa isang press conference sa Malacañang, sinabi ni Lopez na kasalukuyang sinusuri ng LTFRB kung magkano ang magiging...
Mga magsasaka, mangingisda, tatanggap na ng fuel subsidy ngayong Marso
MANILA, Philippines - Magsisimula nang tumanggap ng fuel subsidy ang mga magsasaka at mangingisda ngayong buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules. Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P150 milyong pondo para sa fuel subsidy program ng sektor ng agrikultura, kung saan P100 milyon na ang nailabas sa DA para sa distribusyon. Sa...
7,838 pasado sa MedTech Licensure Exam
MANILA, Philippines - Aabot sa 7,838 sa kabuuang 9,317 examinees ang pumasa sa March 2026 Medical Technologists Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC). Inilabas ang resulta tatlong working days matapos ang pagsusulit na isinagawa sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga. Nanguna...
Paggamit ng larawan ng menor na anak sa fake news, pinalagan ni VP Sara
MANILA, Philippines - Kinondena ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules ang paggamit ng larawan ng kanyang menor de edad na anak sa pagpapakalat ng maling impormasyon online. Sa isang pahayag, iginiit ni Duterte na hindi niya kailanman isinangkot ang kanyang mga anak sa usaping pulitika. “Hindi ko kailanman ginamit ang aking mga anak sa pagsulong ng aking interes, at mahigpit...












