Imbestigasyon vs ex-chief Bautista sinimulan na ng Comelec
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban kay dating chairperson Andres Bautista, na kinasuhan ng bribery at money laundering sa korte ng United States kaugnay ng 2016 elections.Sinabi ni Comele chair George Garcia na hinihintay ng investigating panel ang mga dokumento at iba pang ebidensya, kabilang ang laban sa mga...
Tindera ng pandesal, patay sa holdaper
TODAS ang isang babaing pandesal vendor nang barilin ng dalawang holdaper matapos tangkaing tumakbo makaraang magdeklara ng holdap ang mga suspek Lunes ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Jenicel” 24, sanhi ng tama ng bala sa likod habang umeskapo kaagad ang dalawang suspek na ang isa...
Kelot arestado sa 83 marijuana bricks
KALINGA-Swak sa kulungan ang isang 45-anyos na lalaki matapos na maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng PDEA CAR-Kalinga Provincial Office sa Brgy. Bulo, Tabuk City ng lalawigang nitong Linggo ng gabi, Agoston 11. Sa inilabas na inisyal report ng PDEA CAR, ang suspek ay residente ng Brgy. Nambaran, Tabuk City, Kalinga, may asawa. Nakakumpiska ang mga otoridad ng 83...
2 timbog sa higit P1M shabu sa P’que drug ops
Arestado ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Parañaque City police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) bago managhali ng Linggo, Agosto 11.Sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete na galing sa Parañaque City police ay kinilala ang mga nadakip na suspects na sina alyas Marvin, 28,...
4 Indonesian dinampot sa pagnenok ng pera sa P’que
MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong theft ang apat na Indonesian nationals matapos ireklamo ng kanilang katrabahong Malaysian national na nagnakaw ng kanyang pera sa loob ng kanilang opisina sa Parañaque City Linggo ng gabi, Agosto 11.Kinilala ni Parañaque City police chief P/Col. Melvin Montante ang inarestong apat na suspects na sina alyas Reza, 28; Hendra, 34; Kepri, 30;...
Content creator tinuluyan ni Mon Confiado sa ‘joke’ post
MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo na may kinalaman sa Cybercrime ang aktor na sa Mon Confiado laban sa isang content creator na nagpost ng "copypasta" na gumawa ng kuwento tungkol sa kanya.Ibininahi ng aktor sa Facebook ang kanyang larawan sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division at nanawagan sa content creator na si Ileiad.Sinabi ng...
PLM nanguna sa Computer-based Psychology Licensure Exam
MANILA, Philippines - Nakakuha ng pinakamataas na marka ang isang nagtapos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Agosto 2024 Computer-based Psychology Licensure Examination, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC). Si Anfernee Karl Ricamora Cuenca ay nakakuha ng 88.40 percentage rating, ang pinakamataas sa 373 examinees. May kabuuang 448 Psychology graduates ang kumuha ng board exam na pinangasiwaan sa NCR...
P1.63-M iligal na agri goods nasabat ng BOC-NAIA
MANILA, Philippines - NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang iba’t-ibang klase ng mga produktong pang-agrikultura na pawang mga walang kaukulang permit na bitbit ng dalawang Japanese national sa magkahiwalay na araw nito lamang nakaraang linggo. Nabatid sa BOC, nagsagawa ng magkasanib na inspeksyon ang BOC-NAIA at ang Department of Agriculture (DA)...
Mga tserman sa Maynila inatasang suyurin mga lansangan vs dengue
MANILA, Philippines - “ANG dengue na dala ng lamok ay maaaring iwasan, kung pananatilihing malinis ang kapaligiran." Ito ang ipinahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan kasabay ng panawagan nito sa mga punong barangay na paigtingin ang mga cleanup drive upang masugpo ang mga kaso ng dengue fever sa gitna ng tag-ulan. Ginawa ni Mayor Honey Lacuna ang panawagan matapos makatanggap ng...
Hirit na protective writs ng 2 aktibista sinopla ng CA
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petition for writs of amparo at petition for habeas data ng dalawang environmental activist laban sa mga opisyal ng pamahalaan na nagpadukot umano sa kanila nitong nakaraang taon. Sa 55 pahinang desisyon ng CA Former Special Eighth Division, idinismis nito ang application para sa privilege ng writ of habeas data...












