Senior na ‘di nagpautang, pinagsasaksak
MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng walong beses ang isang babaeng senior citizen matapos na hindi magpautang. Sa imbestigasyon, pumunta umano ang isang babae sa bahay ng senior sa Pidigan, Abra para sana mangutang ng P2,000 pero hindi ito napautang ng matanda. Matapos ang ilang sandali ay bumalik ang babae saka niyaya ang senior na umakyat ng burol. Doon na pinagsasaksak ng suspek...
Rollback sa produktong petrolyo, asahan!
MANILA, Philippines - Posible ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes, Hulyo 12. Sa update, sinabi ng DOE na possible ang rollback na P0.70 hanggang P0.90 sa kada litro ng gasolina, habang P1 hanggang P1.15 naman ang rollback sa kada litro ng diesel at kerosene. Ang pagbaba sa presyo ng...
2 suspek patay, 4 pulis-Maynila sugatan sa engkwentro
MANILA, Philippines - Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang apat na pulis na kinabibilangan ng dalawang opisyal matapos ang engkwentro nang silbihan sana ng warrant of arrest sa Maynila. Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PLt. Col. John Guiagii na hepe ng MPD District Intelligence Division, MPD-SMaRT Chief, P/Maj. Dave Apostol, PMSg Julious Omolon at PCpl Keith Paul...
3 bangkay na natagpuan sa hotel sa Cavite, nakilala na
MANILA, Philippines - Kinilala na ang tatlong bangkay na natagpuan na wala nang buhay sa "The Lake Hotel" sa Brgy Maharlika West, Tagaytay City, Cavite. Ayon sa ipinadalang report ng pulisya, Kinilala ang mga biktima na sina David james Fisk, 57, isang Australian national, asawa nitong si Lucita Barquin Cortez, 55, Filipina at isa na ring Australian citizen, at Mary...
3 lechonero nalambat sa Taguig sa baril at granada
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga rumespondeng tauhan ng Taguig City police Substation 2 kabilang ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ang 3 lechonero makaraang mahulihan ang mga ito ng mga baril at granada Miyerkules ng hapon, Hulyo 10. Sa report ng Taguig City police sa Southern Police District (SPD) ay...
Pamahalaan hinamon ng Obispo na manindigan sa pag-aari ng Pilipinas
MANILA, Philippines - Hinamon ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan na manindigan sa pag-aari ng Pilipinas. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office on Stewardship, hindi maaaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong Hunyo...
Manager ng kompanya bistado sa pangungulimbat ng ₱100M
MANILA, Philippines - Arestado ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Unit (WSU), Station Intelligence Section (SIS) ng Makati City police at ng National Intelligence and Security Group-National Capital Region (NISG-NCR) ang may mataas na katungkulan ng isang kumpanya na sangkot sa 266 kaso ng qualified theft nitong nakaraang Miyerkules ng hapon, Hulyo 10. Kinilala ng Makati City police ang...
Bayanihan ng mga kabataan inilunsad sa Maynila
NASA mahigit 100 lider ng mga kabataan sa bansa ang nagkapit-bisig para makiisa sa inilunsad na “Bayanihan Para sa Karangalan at Kaunlaran ng mga Pilipino” na may layuning hikayatin ang kanilang hanay na magsilbing modelo sa lahat tungo sa pag-unlad ng Pilipinas. Nabatid na nasa 132 youth leader ang opisyal na lumagda, kasama ang 132 pang local political organizer, bilang...
Taiwan pinalibutan ng 66 Chinese aircraft
TAIWAN - Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na nakapagtala ito ng 66 Chinese military aircraft sa paligid ng nasabing bansa sa nakalipas na 24 na oras. Ito na ang record-high na bilang ng Chinese aircraft ngayong taon. "66 PLA aircraft and seven PLAN vessels operating around Taiwan were detected up until 6 am (2200 GMT Wednesday) today," saad sa pahayag...
2 obrerong tinedyer nalunod
MANILA, Philippines - Patay ang tatlong indibidwal kabilang ang dalawang binatang construction worker matapos malunod Negros Occidental nitong Miyerkules, Hulyo 10. Sa ulat, nasawi sina Andrew Cordero ng Talisay City at Yantor Yanson ng Bacolod City, kapwa 19 anyos, matapos malunod sa ilog sa Sitio Dumpsite, Barangay Buenavista, Himamaylan City. Ayon kay Police Lt. Col. Anthony Grande, Himamaylan police chief, ang...












