Hinihinalang tulak patay sa Batangas buy-bust

0

MANILA, Philippines - Patay ang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa engkwentro ng pulisya sa San Juan, Batangas nitong Martes, Mayo 28. Ayon sa Region 4A police nitong Miyerkules, ang suspek na si "Balot" ay napatay sa buy-bust operation sa Barangay Lipahan bandang alas-7 ng gabi. Sa report, natunugan umano ng suspek na pulis ang katransaksyon nito. Dahil dito ay bumunot...

556 magsasaka na apektado ng bagyong Aghon, inayudahan

0

MANILA, Philippines - Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P23.06 milyong halaga ng ayuda para sa 556 magsasaka na apektado ng bagyong Aghon sa Calabarzon at Mimaropa. Ayon sa DA - Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center Bulletin 6 na inilabas nitong Martes, Mayo 28, ang halaga ay inilaan para sa distribusyon ng agricultural inputs, katulad ng...

Sekyu na pumatay sa ex ng kinakasama, pinaghahanap

0

MANILA, Philippines - Pinaghahanap na ng pulisya ang isang security guard na responsable sa pamamaslang sa dating karelasyon ng kaniyang kinakasama sa Trece Martires City sa Cavite. Humihingi ng katarungan ang pamilya ng biktimang si Jomar Fajardo, 30-anyos, construction worker na pinatay ng suspek na nakilalang si Jason Bacuedan, 41, security guard, noong nakaraang Mayo 19 sa Southville 2, Brgy....

V-Alert Mobile App inilunsad sa Valenzuela

0

MANILA, Philippines - MAS pinahusay ng lokal na pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pagtugon sa sakuna at emergency response capabilities sa pamamagitan ng pinakabagong digital innovation nito ang V-Alert Button. Ang makabagong mobile application na ito ay nagsisilbing lifeline sa mga oras ng krisis na makapagbibigay ng access sa mga serbisyong pang-emergency sa isang tap lamang sa iyong smartphone. Ang nasabing...

Dalagita tinuhog ng kapitbahay

0

Bulacan - Kalunos-lunos ang sinapit ng 11 anyos na batang babae matapos gahasain ng 37 anyos na lalaking kapitbahay sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM). Kinilala ang biktima sa alyas na Melay habang ang suspek na nakatakas ay si alyas Dindo, kapwa residente ng Villa Ilagan, Brgy. Muzon. Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly...

Kathryn, nagpasalamat sa FAMAS, dedma sa kontrobersya!

0

Manila, Philippines - Si Kathryn Bernardo ang wagi bilang Best Actress sa kontrobersyal na FAMAS Awards na ginanap sa Manila Hotel para sa mahusay niyang pagganap sa A Very Good Girl. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya nakalimutang pasalamatan si Dolly de Leon, na co-star niya sa nasabing pelikula. Narito ang acceptance speech ni Kathryn. "This is my first (best actress...

Marian, ayaw humiga sa ataul, tinawag na maarte!

0

Manila, Philippines - Makatawag-pansin ang viral nang photo ngayon ni Marian Rivera sa loob ng ataul. Used for her latest project, screen shot 'yon na ipinost ng isang netizen sa X (dating Twitter). Obyus na ayaw humiga ng GMA Primetime Queen sa kabaong kaya larawan na lang ng kanyang mukha ang inilagay. Bale ba, ang paggamit ng cardboard image ng mukha ni...

Badyet ng DOH handang tumugon sa ‘FLiRT’

0

MANILA, Philippines - Bukas ang Department of Health (DOH) sa paggawa ng mga pagbabago sa kasalukuyang badyet nito upang matugunan at mabawasan ang mga posibleng epekto sa bansa ng mga bagong variant ng COVID-19 na tinatawag na “FLiRT." Ito ang sinabi ni DOH Undersecreatry Achilles Gerard Bravo, matapos humingi ng paglilinaw ang House committee on appropriations sa oversight meeting tungkol...

Wescom nanindigan na hindi nakikipag-negosasyon sa China hinggil sa WPS

0

MANILA, Philippines - Nanindigan si dating Armed Forces of the Phlippines Western Command (Wescom) chief Vice Adm.Alberto Carlos na hindi siya nakikipag-negosasyon sa China hinggil sa isang new model agreement na naglalayong bawasan ang tensyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Sa panayam ng PTV, binigyang-diin ni Carlos na hindi ito nagbigay ng permiso o consent sa Chinese...

P100M kapalit ng pagkapanalo sa eleksyon, ‘wag paniwalaan – Comelec

0

MANILA, Philippines - Nakatanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng mga ulat ng mga indibidwal na nag-aalok ng “panalo” sa mga kandidato kapalit ng cash na aabot sa P100 milyon, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia. Ayon kay Garcia, marami pa rin sa kasalukuyan ang nababalitaan at tumatanggap -- may mga umiikot pa rin sa buong bansa na nag-aalok at...