Eva, binastos ng Famas; Award-giving body, nagsori!
Manila, Philippines - Sa halip na mismong ang beteranang aktres na si Eva Darren ay anak niya ang naglabas ng saloobin sa Facebook tungkol sa umano'y pambabastos sa kanyang ina ng pamunuan ng Famas. Ayon kay Fernando dela Peña, ilang buwan pa lang bago ang ika-72 taon ng Famas awards night nitong May 26 sa Manila Hotel ay nakatanggap na...
Recto walang nakikitang interest rate hike ngayong taon
MANILA, Philippines - Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto nitong Lunes, Mayo 27 na wala siyang inaasahang pagtaas sa interest rate ngayong taon mula sa kasalukuyang 6.5 percent. Kasabay ng Philippine Economic Briefing sa Manila, sumang-ayon si Recto sa Bangko Sentral ng Pilipinas na posible ang interest rate cut ngayong taon. Aniya, ito ay dahil sa posibilidad na bumaba rin ang...
Peso depreciation pansamantala lang – BSP
MANILA, Philippines - Temporaryo lamang ang nararanasang pagbaba ng halaga ng piso sa palitan nito kontra dolyar. “This is only temporary. Once things clear up, it will be the fundamentals that will determine the exchange rate," pahayag ni BSP Senior Assistant Governor Iluminada Sicat kasabay ng Philippine Economic Briefing. “We also look at what’s happening around the area. Are we the...
Isa sa mga kasabwat ng ‘Luffy Gang’ naaresto ng BI sa Makati
MANILA, Philippines - IPATATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanilang bansa ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa kinakaharap nitong kaso na theft and robbery. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26-anyos, na naaresto noong Mayo 26 sa kahabaan ng Estrella Avenue sa Bgy. Poblacion, Makati...
DOE sa publiko: Sa kabila ng bagyo, magtipid pa rin ng kuryente
MANILA, Philippines - NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kasunod ng makabuluhang pagbabago ng available power supply sa Luzon sa gitna ng bagyo. Sa isang virtual press conference, hinikayat ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente para mabawasan ang paghahatid ng mas maraming mamahaling oil-based...
97 kilo ng sirang karne, isda nasabat sa Baguio
MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga awtoridad ang 97.13 kilo ng mga sirang karne at isda sa isang talipapa sa Baguio City. Sa isinagawang spot inspections sa mga barangay ng San Vicente, Kias, Loakan, at Camp 7, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga sirang karne at fish products na hindi na pwedeng kainin ng tao dahil sa mishandling. Agad na itinapon...
6 bagong-silang na sanggol patay sa sunog sa ospital
INDIA - Patay ang anim na bagong silang na sanggol sa sunog na tumupok sa isang ospital sa New Delhi, India. Sa television footage, makikita ang mga bumbero na sinusubukang apulahin ang sunog na sumiklab nitong gabi ng Sabado, Mayo 25. Ayon sa fire department, anim na mga bata ang nailigtas at dinala sa iba't ibang ospital, kung saan isa ay...
Solong spokesperson sa WPS, iminungkahi ni Escudero
MANILA, Philippines -Iminungkahi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na magtalaga ng nag-iisang spokesperson ang gobyerno sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa usapin ng territorial disputes sa West Philippines Sea (WPS). Sa pahayag, sinabi ni Escudero na sa ganitong sistema, maiiwasan ang pagkalito at gulo hinggil sa sigalot taliwas sa ngayon na masyadong marami ang nagsasalita at nagbibigay...
Livestock, poultry at dairy sector, palalakasin ng Senado sa food security
MANILA, Philippines - Tiniyak ng isang senador na palalakasin ng Senado ang programa para sa pagpapaunlad ng livestock, poultry at dairy industries (LPD) bilang bahagi ng pagpapatibay ng food security ng Pilipinas. Sa pahayag, sinabi ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food security na kahit sa ika-apat na bahagi ng produksiyon sa sektor ang agrikultura...
Tag-ulan posibleng magsimula sa unang linggo ng Hunyo – PAGASA
MANILA, Philippines - Posibleng mas mapaaga sa unang linggo ng Hunyo ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Lunes, Mayo 27. Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, ang pagpasok ng tag-ulan ay posibleng dahil sa bagyong Aghon na magpapalakas ng southwesterly wind flow at magdadala ng mga pag-ulan sa...












