Tirador ng 15-anyos na kapitbahay himas-rehas
MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang lalaki sa kanyang pinagtatrabahuan sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong halayin ang kanyang 15-anyos na kapitbahay sa San Juan. Base sa ulat na nag-alok umano ng pera ang suspek sa biktima na nauwi sa pakikipagtalik at tuluyang panggagahasa noong Setyembre. “Magkakilala, kaya nagkapalagayan ng loob. Naisagawa ang acts of lasciviousness noon September 9… Siguro...
Kelot utas sa paglinis ng kanal
CEBU CITY, Philippines — Patay ang isang 58-anyos na lalaki matapos itong ma-trap sa loob ng kanal sa kahabaan ng A. Lopez St., Barangay Calamba sa Cebu City noong Martes ng tanghali, Mayo 14, 2024. Kinilala ang biktima na si Teodorico Bayarcal, residente ng lugar, na nagboluntaryong linisin ang kanal para maihanda ito sa paparating na tag-ulan. Nabatid na habang nililinis...
Binatilyo minanyak ni titser sa klasrum
PANGASINAN - Kulong ang isang lalaking guro sa umano'y pagghasa sa kanyang estudyanteng 12-anyos na lalaki sa loob pa mismo ng silid-aralan sa bayan ng Sta. Barbara. Ayon sa biktimang grade 6 pupil, nitong Mayo 12, pinapasok umano siya ng suspek para sa graduation ceremony practice. Wala umanong nangyaring praktis para sa graduation sa halip ay pinapasok umano ang biktima sa...
CBCP sa kabataan: Nuclear-free world ipaglaban
MANILA, Philippines - Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan na makiisa sa pandaigdigang kilusan na nagtutulak para sa isang mundong walang lumalaganap na nuklear. “For this year, our focus is on the grave threat of nuclear weapons, emphasized by Pope Francis and global leaders," sabi ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa isang...
Sinuspindeng 72 bisor ng warehouse na isinangkot sa iligal na pagbebenta ng bigas, ibinalik sa trabaho
MANILA, Philippines - Binawi na ng Office of the Ombudsman (OMB) ang preventive suspension order laban sa 72 National Food Authority (NFA) warehouse supervisors na sangkot umano sa pagbebenta ng buffer stocks ng bigas ng hindi idinadaan sa public bidding at hindi ipinapaalam sa NFA council. Sa 23 pahinang kautusan, hindi pinangalanan ng OMB ang mga tauhan na nakasama sa...
Iligal na aktibidad ng foreign diplomats tatalupan ng NBI
MANILA, Philippines - Pinakilos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang napaulat na iligal na aktibidad ng ilang dayuhang diplomat. Bumsod ito ng umano ay pagpapalabas ng Chinese Embassy ng transcript at recordings ng pag-uusap sa pagitan ng isang Philippine military official at Chinese diplomat kaugnay sa Ayungin Shoal. Iginiit ni Remulla na...
Pagpapadala ng warning notice sa labis kumonsumo ng tubig inalmahan
MANILA, Philippines - Inalmahan ng isang consumers group ang banta ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na bigyan ng "warning notice" ang water consumers na labis ang paggamit ng tubig. Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) national President Rodolfo Javellana Jr.,hindi raw makatwiran ang hakbang na ito ng MWSS. Sa isang press conference, sinabi ni Javellana na kailangan...
Rebisyon sa RTL: NFA papayagang bumili, magbenta ng bigas sa emergency situation
MANILA, Philippines - Isa sa probisyon na isinusulong na maaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food sa aamyendahang Rice Tariffication Law (RTL) ay pagpayag sa National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng bigas sa panahon ng emergency. Sa Committee Report 1068 na ipinalabas ng komite sa ilalim ni panel chairperson Quezon Rep Mark Enverga sinabi nito na...
Comelec: Walang nagsampa ng DQ case vs Bamban Mayor Guo
MANILA, Philippines - Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na walang nagsampa ng disqualification case laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ginawa ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang paglilinaw matapos mag-alinlangan ang mga senador at netizens kung paano nakatakbo si Guo para sa isang lokal na posisyon, sa gitna ng mga tanong sa kanyang nasyonalidad at umano'y kanyang...
Unang ‘truly sustainable’ Eco City sa PH, kasado na sa Pasay
Inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang nalalapit na pagsasakatuparan bilang kauna-unahang “truly sustainable Eco City’’ sa Pilipinas na Pasay Eco City na makatutulong sa paglago ng ekonomiya sa lungsod. “Naisakatuparan namin ang aming hangarin na pagsamahin ang ekonomiya at proteksiyon ng kalikasan sa ating Pasay Eco City na siyang pinakaunang sustainable Eco City sa bansa,” ani Mayor Calixto-Rubiano. “Tayo’y...












