Collection goal ng BIR sa buwan ng Abril, nahigitan ng 11.6%
MANILA, Philippines - Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Miyerkules, Mayo 31 na nalampasan na ng ahensya ang collection target nito para sa buwan ng Abril. Sa news release, sinabi ng BIR na nakakolekta sila ng P336.020 billion sa nasabing buwan o 11.67% na mas mataas o P35.114 bilyon sa collection goal nito na P300.9 bilyon. Batay sa year-on-year...
1,279 dagdag-kaso ng COVID naitala
MANILA, Philippines - Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,279 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Mayo 31. Dahil dito ay umakyat na sa 4,142,814 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa. Ayon sa DOH, tumaas din sa 4,061,510 ang recovery tally habang ang death toll ay nanatili sa 66,466. Nananatiling ang National Capital Region sa ay may pinakamataas na bagong kaso...
Ilang kalsada sa Benguet ‘di madaanan sa lanslide sa bagyong Betty
MANILA, Philippines - Hindi madaanan ang ilang kalsada sa Benguet dahil sa serye ng mga pagguho ng lupa sa malakas na ulan dulot ng bagyong Betty. Ayon sa ulat, ilang bato ang bumagsak sa gilid ng bundok sa Governor Bado Dangwa National Road sa Kapangan, Benguet. Nagsagawa naman ng clearing operation ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng...
Teves, sinuspinde pa ng 60 pang araw ng Kamara
MANILA, Philippines - Nagpataw ng 60 pang araw na suspensyon ang Kamara para kay Negros Oriental Representative Arnolfo "Arnie" Teves dahil sa patuloy na hindi nito pagdalo sa kapulungan kahit na expired na ang travel authority nito. Ang suspensyong ipinataw ay walang bayad. Sa botong 285 yes votes, zero no votes at isang abstention, tinanggap ng Kamara ang rekomendasyon na ginawa...
Mastermind sa Degamo slay, posibleng direktor sa pagbaligtad ng suspect-witness – Remulla
MANILA, Philippines - Inakusahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Miyerkules, Mayo 31 ang isa sa mga inaakusahang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Marvin Miranda na siyang direktor sa iba pang mga suspek sa pagbaligtad nila sa kanilang testimonya. Sa ngayon ay may kabuuan nang 10 suspek sa kaso ang nagbawi ng kanilang...
Kaligtasan ng drayber, pasahero tiyakin sa pagsaligal ng motorcycles-for-hire – Poe
Manila, Philippines-Kung magkakaroon ng batas na magle-legalize at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa, makasisigurong ligtas ang mga rider at pasahero bukod sa mananatiling mababa ang mga bilang ng mga naaksidente. Sa joint hearing ng Senate Committees on Public Services and Local Government kamakailan, itinuon ang diskusyon sa training at skills know-how ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo para...
1M OFW SA SAUDI AT MARAMI PANG IBA
ANG mga obrerong Pinoy hindi maipagpapalit ng ibang mga bansa sa ibang lahi. Ito ang malinaw na mensahe ng Saudi Arabias na pagkakaroon ng mga Pinoy para sa pagpapaunlad nang todo ng kanilang ekonomiya. Dati-rati, tinatamaan ang mga Pinoy roon sa programang Saudization at may mga nasampulan na nga. Sa Saudization, mga Saudi Arabo mismo ang mabibigyan ng trabaho at hindi na...
GIYERA ‘DI DASAL IPANLABAN SA DROGA
APAT ang kamamasaker lang dahil sa droga sa Navotas. Sina Allan Sioson, 49; live-in partner nitong si Rosalia Menia, 26; Sally Sapallo, 41; at isang 15 anyos. Ayon sa mga pulis, dati nang nakulong at nakalaya sa kalaunan si Sioson ngunit nababalitaan nilang bumalik ito sa pagtutulak ng droga at ginagawang drug den o hithitan ng droga ang kanilang bahay. Nauna rito,...
22 panukalang batas, pipirmahan na lang ni PBBM – Zubiri
MANILA, Philippines - Nasa kabuuang 22 panukalang batas ang naghihintay na lamang ng pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na maipasa ng Senado at Kamara, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Miyerkules, Hunyo 1. Ito ay kasunod ng pagtatapos ng unang regular na sesyon ng 19th Congress. “Your Senate has approved a total of six measures enacted into...
MAG-INGAT SA MGA “KATOK” LPG SCAMMER
LIKAS na sa ugali ng mga Pilipino ang pagiging mapagtiwala at isa ito sa magagandang katangiang sinasamantala ng mga damuho, salot at walang konsensiyang scammer. Matagal nang kumalat sa social media ang LPG-budol ng mga patay-gutom na halimaw. Ang modus, magpapanggap ang mga parasitong ito na taga-safety department ng ahensiya ng gobyerno at iinspeksiyunin "kuno" ang inyong LPG. Siyempre kumpleto...









