Panukalang pagtaas ng retirement age ng PNP, BJMP at BFP sa 57 inihain ni Lacson
MANILA, Philippines - Naghain si Senador Ping Lacson ng dalawang panukalang batas na magtataas sa compulsory retirement age ng mga uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP) mula 56 tungo sa 57 taong gulang. Ayon kay Lacson, layunin ng Senate Bill Nos. 2395 at 2396 na mas...
Pansamantalang ban sa pag-import ng manok, ibon mula Japan, inalis ng DA
MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na inalis na ng ahensya ang pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga alagang hayop at ligaw na ibon mula Japan matapos ideklara ng mga awtoridad sa beterinaryo na malaya na ang bansa sa highly pathogenic avian influenza (HPAI). Dahil sa desisyon, muling nabuksan ang access sa mahalagang pinagkukunan ng breeding stock...
Sundalo utas, dalawa sugatan sa pamamaril sa Sulu
SULU, Philippines - Patay ang isang Philippine Army corporal habang sugatan ang dalawa pa matapos silang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Cpl. Aldrin Wanson, 34, ng 41st Infantry Battalion, na nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo at namatay sa...
Pasok sa trabaho, klase sa lahat ng antas sa publiko, pribadong eskwelahan, suspendido mula 3 ng hapon
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Malakanyang ang trabaho sa tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa publiko at pribadong eskuwelahan sa National Capital Region, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna at Quezon, ngayong araw ng Huwebes, Agosto 13, epektibo alas-3:00 ng hapon sa rekumendasyon na rin ng...
Bagong dialysis center, itatayo sa Pedro Gil Residences sa Maynila
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno" Domagoso nitong Huwebes, Agosto 13, ang groundbreaking ceremony para sa bagong hemodialysis center na itatayo sa ground floor ng Pedro Gil Residences, isang vertical housing project ng pamahalaang lungsod. Layunin ng proyekto na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente, partikular sa mga pamilyang nakatira sa mga pampublikong pabahay. Ayon kay...
Ex-DPWH-Mimaropa official humiling ng hospital arrest dahil sa pagkaparalisa
MANILA, Philippines - Naghain ng urgent motion para sa hospital arrest ang abogado ni dating DPWH-Mimaropa Maintenance Division Chief Juliet Calvo matapos umano itong maparalisa habang nakakulong sa Camp Caringal Female Dormitory sa Quezon City. Ayon sa kanyang abogado, inilipat si Calvo sa isang pribadong ospital sa Pasig kung saan siya sumasailalim sa mga pagsusuri at obserbasyon. Sinabi nitong naparalisa...
Kung may dapat sitahin impeachment court, ito ay si VP Sara – Co
MANILA, Philippines - Para kay House Prosecution Sppokesperson at Kabataan Partylist Rep Renee Co na kung mayroon mang dapat tawagin o sitahin ang Senate Impeachment Court ito ay walang iba kundi si Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang mga pahayag na nagdududa sa integridad ng korte. Ang pahayag ay ginawa ni Co bilang reaksyon sa sinabi ni Impeachment Presiding...
Guro sa Lanao del Sur, dinukot ng dalawang armadong lalaki
LANAO DEL SUR, Philippines - Dinukot ng dalawang armadong lalaki ang isang babaeng guro ng pampublikong paaralan habang pauwi sa Maguing, Lanao del Sur noong Miyerkules ng umaga, ayon sa pulisya. Kinilala ang biktima na si Baesarome Dagalangit Bagul, guro sa Malungun Elementary School at residente ng Barangay Malungun, Maguing. Batay sa imbestigasyon, sumakay si Bagul sa isang pampasaherong traysikel mula...
Lalaki arestado sa pagpapaputok ng baril
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki matapos magbanta at magpaputok ng baril sa Tondo, Maynila madaling araw ng Huwebes, Agosto 13. Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 7, mahaharap ng kasong Grave Threat, Alarm Scandal at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si Henry Picar, residente ng Brgy. 50. Si Picar ay nagtamo ng tama ng bala...
WHO: Ebola outbreak sa Congo posibleng malampasan pinakamalalang outbreak sa kasaysayan
GENEVA, Switzerland - Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo ay maaaring malampasan ang pinakamalalang Ebola outbreak noong 2014–2016 sa West Africa na kumitil ng mahigit 11,000 katao. Sa ngayon, mahigit 2,000 na ang nasawi mula sa higit 4,300 kaso ng Ebola sa silangang bahagi ng Congo. Bagama’t idineklara lamang ang...












