Suplay ng LPG, tatagal na lang ng 24 araw – DOE

0

MANILA, Philippines - Mahigpit na mino-monitor ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng liquefied petroleum gas o LPG sa bansa, na maaari na lamang tumagal ng hanggang 24 araw, sa gitna ng pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East. "One of our major problems now is LPG, so now we're starting to...

P102M tobats, nasabat sa NAIA; Malaysian nat’l, timbog  

0

MANILA, Philippines - TINATAYANG nasa P102 milyon halaga ng shabu na itinago sa mga chopping board ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa isinagawang operasyon sa Terminal 1 kung saan naaresto ang isang pasaherong Malaysian national. Ayon sa BOC-NAIA, nadiskubre ang kontrabando sa tulong ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task...

OSG kinuwestyon sa hirit sa SC sa kaso ni Ressa

0

MANILA, Philippines - May ilang political analysts at kolumnista na nagpahayag ng puna sa naging hakbang ng Office of the Solicitor General (OSG), sa pamumuno ni Solicitor General Darlene Marie Berberabe, kaugnay ng inihain nitong Manifestation with Recommendation for Acquittal sa Korte Suprema pabor kay Rappler CEO Maria Ressa. Sa naturang paghahain, inirekomenda ng OSG ang pagpapawalang-sala kay Ressa sa...

Mga ‘kano’ pinag-iingat ng US Embassy sa 2-day transport strike

0

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng US Embassy sa Pilipinas ang mga American citizen na manatiling alerto at ayusin ang kanilang iskedyul bago ang nakatakdang nationwide two-day transport strike sa Marso 26 at 27, 2026.Sa advisory na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ng embahada na mananatili itong bukas sa mga nasabing araw at magpapatuloy sa pagbibigay ng mga public service, kabilang...

Welga para sa kinabukasan: 2-araw na transport strike, umarangkada na

0

MANILA, Philippines - Umarangkada na nitong Huwebes ang dalawang araw na nationwide strike bilang protesta sa tumataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Nakiisa sa mass action ang mga transport worker mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang jeepney, transport network vehicle services, motorcycle taxi, bus, at UV Express.“Ramdam na ramdam ng mga drayber at ng...

Piso bulusok sa P60.1 vs dolyar matapos magdeklara ng energy emergency

0

MANILA, Philippines - Bumalik sa antas na P60 kada dolyar ang piso nitong Miyerkules matapos ideklara ng pamahalaan ang national energy emergency at pairalin ang whole-of-government response upang matiyak ang matatag na suplay ng enerhiya sa gitna ng armadong sigalot sa Middle East. Humina ang lokal na pera ng 15 sentimo at nagsara sa P60.1:$1 mula sa P59.95:$1 noong Martes....

Madriaga, Poa sinubpoena ng Kamara sa VP Sara impeachment case

0

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng House Committee on Justice nitong Miyerkules ang pagpapalabas ng subpoena laban sa ilang indibidwal, kabilang si self-confessed bagman Ramil Madriaga at ang abogado ni Vice President Sara Duterte na si Michael Poa, kasabay ng pormal na pagsisimula ng pagdinig sa mga impeachment complaint laban sa bise presidente. Ayon kay committee chairperson Gerville Luistro, inaprubahan din...

Iran matapos matanggap US ceasefire plan: We do not intend to negotiate

0

IRAN - Iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na wala umanong planong makipag-negosasyon ang Iran sa United States at magpapatuloy ito sa paglaban, taliwas sa pahayag ng White House na nagpapatuloy ang usapan ng magkabilang panig. Ginawa ni Araghchi ang pahayag sa state television matapos na matanggap ang 15-point US ceasefire plan. "At present, our policy is the continuation...

Alamin: Ilang iskul, #WalangF2F classes sa transport strike

0

MANILA, Philippines - Lilipat sa alternative learning modalities ang ilang unibersidad at paaralan ngayong Huwebes, Marso 26, at Biyernes, Marso 27 dahil sa dalawang araw na nationwide transport strike. Sa University of the Philippines Diliman, hinikayat ang mga guro na magpatupad ng remote o asynchronous modes of learning, bagamat maaari pa rin silang magsagawa ng mga nakatakdang on-site activity kasabay...

P15M lotto jackpot, nasolo

0

MANILA, Philippines - Isang lone bettor ang nanalo sa P15 milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 sa draw nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nakuha ng nanalong bettor ang winning combination na 17-24-15-29-10-05 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P15,000,000.00. Samantala, wala namang nanalo sa P45,000,000.00 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55. Ang lumabas na winning...