Jerusalem wagi via UD kontra Castillo, unification bout, inihahanda
MANILA, Philippines – Ipinakita ni Melvin Jerusalem ang husay sa ring nang talunin si Luis Castillo para mapanatili ang World Boxing Council (WBC) minimumweight belt noong Linggo, Setyembre 22, sa Manny Pacquiao Presents: Blow by Blow sa punong Mandaluyong City College Gym. Nangibabaw mula sa opening bell nang pabagsakin niya ang Mexican sa pamamagitan ng kanang suntok sa baba, nanalo si Jerusalem sa pamamagitan ng...
Malakanyang: PBBM ‘di tumulak sa Singapore para manood ng Formula 1 Grand Prix
MANILA, Philippines- Itinanggi ng Malacañang nitong Linggo na lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore upang manood ng 1 Grand Prix. “He did not go to Singapore,” pahayag ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez nang tanungin hinggil sa umano’y pagbiyahe ng Pangulo sa city-state upang manood ng Singapore Grand Prix. Dagdag ni Chavez, kabilang sa schedule...
Pagpapatupad ng revised toll guidelines muling ipinagpaliban ng DOTr
MANILA, Philippines- Muling inilipat ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng revised guidelines sa toll expressways sa susunod na taon. “The DOTr has the tools to address congestion on major roads but is taking time for a thorough review to ensure these solutions meet motorists’ needs,” pahayag ni Transport Secretary Jaime Bautista nitong Linggo. Posibleng umiral ang penalties para sa...
Marbil sa mga parak: ‘Political neutrality’ pairalin sa Eleksyon 2025
MANILA, Philippines- Dapat isagawa ng Philippine National Police (PNP) nang maayos ang tungkulin nito at pairalin ang “political neutrality” sa pagsisimula ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) apara sa 2025 polls sa Oktubre, ayon kay Chief General Rommel Francisco Marbil nitong Linggo. “We are entering a crucial period as candidates for the 2025 elections begin filing their certificates of...
2 puganteng Koreano arestado sa BI
MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) ang magkasunod na pagkakaaresto sa dalawang lalaking South Korean na itinuro ng kanilang gobyerno bilang mga pugante noong Setyembre 20. Ibinahagi ni BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado ang pagkakaaresto kay Nam Sundong, 37, sa loob ng isang tirahan sa Manuyo Dos, Las Pinas City ng mga elemento ng kanilang fugitive search...
Mga sangkot sa ‘paihi’ sa Navotas Fish Port kinasuhan ng BOC
MANILA, Philippines- Sinampahan na ng Bureau of Customs (BOC) ng pormal na reklamo ang may-ari at tripulante ng dalawang fuel tanker na sangkot umano sa ilegal na paglilipat ng gasolina o “paihi” scheme sa Navotas Fish Port. Nabatid sa BOC na siyam na miyembro ng crew ng MT Tritrust at 16 na tripulante ng MT Mega Ensoleillee ay nahaharap sa...
BRP Teresa Magbanua kukumpunihin
MANILA, Philippines- Maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pagkukumpuni ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) dahil sa pinsalang idinulot dito ng mga barko ng China habang binabantayan ang Escoda Shoal. Kasalukuyang nakadaong ang barko sa Danao, Cebu matapos bumalik mula Escoda Shoal para sa pagkukumpuni. Ang pinsala ay matapos sadyain ng mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard at ng...
90% ng P103.5B health emergency allowance bayad na
MANILA, Philippines- Nasa 90 porsyento na ang nabayaran mula sa kabuuang obligasyon ng Health Emergency Allowance (HEA) na P103.5 bilyon, kasunod ng desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ganap na pondohan ang natitirang P27.3 bilyon ngayong taon. Sinabi ng Department of Health (DOH) na nabayaran na ang nasa 14.5 milyong claims sa health workers na nagsilbi noong kasagsagan...
PH embassy sa mga Pinoy sa Lebanon: Umalis na sa lugar habang maaga pa
MANILA, Philippines- Hinimok na ang mga Pilipino sa Lebanon na ikonsidera na lisanin na ang foreign country habang available pa ang commercial flights. Ipinalabas ng Philippine Embassy sa Lebanon ang nasabing abiso kasunod ng "unprecedented explosions of beepers" sa Lebanon noong Setyembre 17 at 18, nagresulta ng pagkasawi ng 11 katao habang sugatan naman ang 2,800 indibidwal. "The Philippine Embassy strongly...
Healthcare prayoridad ng PH gov’t – PBBM
MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na titiyakin niya na accessible ang medical care para sa bawat Pilipino. Inulit ng Pangulo ang kanyang "strong commitment" na iprayoridad ang healthcare system sa Pilipinas. “Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan ‘yung healthcare,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang pinakabagong vlog, bilang tugon...












